Hi good day. I would like to ask for an advice po regarding the case of my husband. Naaksidente po kasi sya last Aug 23, 2018. Nabangga sya ng jeep. That day po hindi na namin pinainquest yung driver, nakipagkasundo na lang po kami. We have signed settlement po sa may police station. Nagkasundo kami na maghahati kami sa gastos ng hospitalization at mga damages sa nangyari sa asawa ko. Sa driver po nagmula na magbibigay sya ng paunang bayad na 10k na binigay naman nya noong Aug 24. Dahil sa hindi daw nya kayang magbayad ng buo, maghuhulog daw po sya ng 3500 kada 15 at 30 of the month hanggat hindi pa nakakabalik ng work ang asawa ko. Last August 30 nagbigay lang po sya ng 1500 then nung Sept 15 nagbigay sya ng 1000. Yun lang daw po ang makakaya nyang ibigay. Yung asawa ko po ay nilagyan ng external fixator para maalign yung buto nya and ngayon nagreready kami para sa 2nd operation nya para malagyan sya ng implant sa paa nya. Right ankle po ang nadisplaced at nagkafracture sa kanya at tatlong buto po ang bali. Hindi po kasi tumutupad ang driver sa pinirmahan namin na kasunduan. Wala din tulong mula sa operator ng jeep. Ang asawa ko po ay hindi pa nakakabalik ng trabaho hanggang ngayon. Can you pls give us advise po on what to do? Possible pa po ba na mademanda yung driver ng jeep at maimpound yung jeep? Ano po kaya yung process? Thank you po. God bless.
Free Legal Advice Philippines