Pero after 2mos, inalisan ko na po dahil hindi kumikita. from the start wala kaming kinita. nakakastress ang management. lahat samen pinapabayad. Guard, Busboy, Banda, projector, dj, flyers, etc.. Ultimo bubong ng food park gusto pati kaming mga tenants magshare.
Basta merong gastusin lagi kaming kasama sa bayarin.
So eto na po, yung ibang tenant na nauna samen umalis na. After a month kami na yung sumunod.
Bigla nalang kami umalis at kinuha ko ang mga gamit ko ng paninja moves dahil alam kong di nila ipapalabas. Pero naiwan pa po ang chairs and tables ko.
Ang pinagkaiba lang namen sa ibang tenants, wala akong pinirmahang contract pero sila meron.
Nagbayad ako ng 15k for reservation fee na non refundable at hindi man lang ibabawas sa rent. Kumbaga thank you na. At 2mos deposit na 60k. Pero 3mos ang hinihingi nila.
Noong first and second month namen hindi ako nagbayad ng rent. At wala na kong balak magbayad dahil sabi ko doon nalang nila ibawas sa dineposit ko. Tutal wala namen kami contract.
Ngayon, pinuntahan nila ko sa bahay at idedemanda daw ako dahil may utang akong 90k para sa 3mos na upa. E 2mos lang akong nandun.
Sobrang napaka lapuk nung may ari at napaka mukang pera.
Ultimo tubig namen na 2cu lang 600+ ang singil dahil yun daw ang minimum. E puro disposable ang gamit namen kaya wala kami masyado gamit sa tubig.
Heeeelp po. Ano po dapat kong gawin.