Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Land Inheritance

Go down  Message [Page 1 of 1]

1LAND - Land Inheritance Empty Land Inheritance Sat Aug 18, 2018 3:53 pm

18Ruth


Arresto Menor

ang lolo't lola ko ay may pamanang lupa sa 8 children. 4 alive 4 deceased. Ang eldest at 2nd child (which is ang mama ko) ay patay na. Ang 3rd ang auntie neri ko ang tumatayong eldest na siblings. Sa kanya ipinagkatiwala ang decision ng pamilya lalo na sa lupang inheritance nila na ibinenta na. Now yung 2nd child ni auntie neri ay sa lolo't lola ko lumaki. Isinama ni auntie neri ang 2nd child nya sa hatian kasi daw adopted ng lolo't lola ko. Nung minessage ko ang pinsan ko at hiningan ko ng adoption paper ay wala daw sya nun at sabi kusang loob na bigay ng auntie at uncle kong mga buhay pa. Pero hindi alam mga anak ng mga deceased na siblings which is mga representatives ang decision nilang isama ang pinsan ko sa hatian. Na shocked nalang ang mga representatives nung ibinigay na ang pera na isinama pala ang pinsan namin sa hatian. Kinausap ko ang pinsan ko na ibalik nalang yung share nung deceased at yung sa alive na siblings nalang ang kukin nya since sila lang naman ang kausap nila ng mama nyang si auntie neri. Pero ang sagot nya haharapin nya daw po kami sa korte. So meaning ayaw nyang ibalik ang kinuha nilang share ng mga deceased siblings. Now ang tanong ko po ano pong puedeng ikaso sa auntie at pinsan ko maliban sa pagbalik nung share? Ano pong kaso nila ng auntie neri at pinsan ko sa pagsisinungaling o pagpanggap na adopted ang pinsan ko? Ang pagkaintindi ko rin po ninakaw nila ang shares ng deceased siblings kasi hindi sila nagpaalam sa mga representatives na kukuha sila ng share at walang pahintulot ng mga representatives. Ang auntie neri ko po sya na po ang pinagkatiwalaan ng pamilya pero niloko nya kami ano po bang puedeng ikaso sa auntie neri ko din? Salamat po at sana matulungan at maliwanagan nyo po kaming magpipinsan na representatives ng mga deceased siblings.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum