Hingi lang po ako ng advice
Kasi ganito po may pumunta po samin today about sa balance po sa motor amounting 130,000+ na po!
Motor po yun ng husband ko nung binata pa po sya...
Ang nangyari daw po kasi, dati po sinosoli nya na po yun kasi wala pong maibigay na papel or registered na ang motor sa kanya...
Kaya po sya humihingi nun kasi nahuhuli po sya palagi, nagpapadulas na lang po sya para makalusot, hanggang sa nahuli po sya at hindi pumayag na magpadulas.
Hindi daw po nya matubos kasi wala pong mapakitang papel.
Ngayon po, ang sabi samin makipag usap daw po sa head office nila.
Ang tanong ko po, dapat ba namin bayaran yun?
2013 pa po nya yun hindi na ginagamit, ngayon lang po sila nag advice na ganun na kalaki ang balance namin
Help po please. Wala na din po kasi yung papel na katunayang nahuli sya..
Sobrang tagal na po kasi.. Binata pa sya nun at ngaun may asawa na..
HELP PO!