Magandang araw po Atty. Mayroon po sana akong concern na nais itanong sa inyo upang magkaroon ako ng idea kung anu ang nararapat ko pong gawin. Ako po ay panganay sa aming tatlong magkakapatid at akoy nasa 28 taong gulang. Namatay ang aking ama dahil sa cancer noong taong 2012.May mga naiwan po na lupain ang aking ama na nakapangalan sa kanya, na ipinangalan ng aming lolo sa aking ama noong nabubuhay pa ang aking lolo. Ang mga lupang ito ay dating naisangla ng aming lolo at ang aking ama ang siyang naglabas sa pagkakasangla noong siya ay wala pang asawa. ngayun po, bago namatay ang aking ama nais niyang bigyan ng parte ang anim niyang kapatid sa mga lupain na pinangalan sa kanya ngunit hindi niya na nagawa hanggang sa mamatay siya dahil may mga hindi sila pinagkakaintindihan na magkakapatid. Ngayon po, ang problema ko naman, isinangla ng aking ina ang mga lupang iyon samantalang hindi naman nakapangalan sa aking ina kundi sa aking ama lamang at hindi ito bahagi ng conjugal property nila. Anu po ba ang aking gagawin, sapagkat ako po ang panganay at sa akin hinabilin ng aking ama ito?
Pangalawa po, bukod sa lupain na sinangla ng aking ina na nakapangalan sa aking ama. Isinangla niya rin ang aming bahay sa isang cooperatiba na nagpapautang sa aming probinsya at pinapirma niya ang aking dalawang nakababatang kapatid. Lahat ng ito ay inilihim ng aking ina habang ako ay nasa abroad pa lamang. Anu po ba ang dapat kong gawin sa nakasangla naming bahay?
Anu po ba ang dapat kong gawin dahil maraming nililihim ang aking ina na kanyang sinasangla at hindi sinasabi sa akin, at marami rin siyang inuutangan na hindi sinasabi sa akin kung saan talaga napupunta ang pera at habang nasa abroad ako nagpapadala pa ako ng pera sa kanya. sana po ay tulungan ninyo ako. Marami pong salamat