Sana po ay mabigyan ninyo ako ng legal na payo.
Ang aking ina ay isang mag sasaka. Ang kanyang lupang sinasaka ay isa sa mga binigay noon ng gobeyerno sa mga mahihirap na magsasaka. Habang inaayos nya ang papeles para malipat ang titulo sakanya, nalaman namin na may isang nag kiclaim ng lupa. Ang sabi naman ng nasa DAR ay nagkamali ang gobeyerno, napasama lamang ang lupang yaon sa mga napamudmod ng goeberyno. Ang sabi pa ng nasa DAR ay ang posibleng mangyari ay ibalik na lang sa aking ina ang naihulog nya na buwis.
Gusto ko lang po malaman kung ano ang mga legal na hakbang na dapat naming gawin para mapasamin ang lupang sinasaka ng aking ina. Sapagkat wala kaming naging pagkukulang, nag babayad ang aking ina ng buwis
Lubos ko pong ikagagalak ang ano mang payo na maibibigay nyo. Salamat