Nais ko po sanang humingi ng inyong payo tungkol po sa aking problema sa Birth Certificate.
Ako po ay mahigit sampung taon nang OFW.
Hindi po kasal ang aking mga magulang noong ako po ay ipinanganak sa kadahilanan na ang aking tatay ay namatay ng nasa sinapupunan pa lamang ako.
Ang akin pong pangalan ay naipatala sa aming LCR gamit ang apelyido ng aking tatay. At iyon na rin po ang ginagamit ko mula ng akoy mag-aral maging sa aking pasaporte.
2011 nang kami po ay ikinasal sa aming lugar sa Pilipinas. Sa LCR na rin po kami nagapply ng Marriage License gamit ang BC na galing din sa kanila.
mayroon na po kaming isang anak ngayon na naipanganak po dito sa ibang bansa at naipatala na rin po namin ang kanyang pangalan sa ating Embahada gamit ang aking apelyido.
Kamakailan lamang po ay kumuha ako ng BC sa NSO at aking napag-alaman base sa aking NSO record na ang aking apeyido ay ang sa aking nanay.
Hindi po tugma ang aking apelyodo sa Birth Certificate na galing sa aming Local Civil Registrar at NSO.
Ano po ba ang dapat kong gawing hakbang upang mabigyan ng solusyon ang isyong ito?
ako po ay umaasa sa iyong mga payo.
maraming salamat po.