Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Oral Defamation, Harassment, and Abusive Words

Go down  Message [Page 1 of 1]

Emann Detera


Arresto Menor

Dear Sir,

May itatanong lang po ako kasi ang pinsan ko po nagbabanta na kakasuhan ako ng Oral Defamation, Harassment, and Abusive Words. Nangyari po ito kahapon lamang. sana po mabigyan nyo ako ng legal advice as soon as possible po sana. Ito po yong kwento kung bakit nauwi sa ganito ang mga pangyayari.

Minsan pong humingi ng tulong ang mga kapatid ko mga kamag-anakan ng mama ko noong nasa hospital si mama. at dahil kababalik ko lang dito sa Qatar ng mga panahon na yun walang wala kami at baon na kami sa utang dahil kamamatay lang po ng Kapatid ko noong May 24, 2013 ng time na un nasa bakasyon ako. Bumalik ako dito sa Qatar noong June 8, 2013. August 9, na hospital naman po ang nanay ko at dahil wala na kaming ibang matakbuhan isa isang nilapitan ng mga kapatid ko ang kamag-anakan ng nanay namin. At sa awa po ng diyos wala silang nakuhang tulong kahit isang sintimo.

Lahat daw walang pera bukod sa pamilya ng pinsan kong ito na gustong magsampa ng kaso sa akin, ang naging rason ng Nanay ng Pinsan ko Meron daw silang perang 40,000.00 pesos pero hindi pwedeng galawin dahil pang down payment ng kukuning PRADA Bag or Shoes ng isang anak nila.

Dahil siguro sa kakulangan namin sa pera, Namatay ang Nanay ko noong August 10, 2013 halos tatlong buwan lang mula ng pumanaw ang kuya ko, dito halos gumuho ang mundo naming magkakapatid sa sunod sunod na trahedya ng pamilya namin, napilitan akong umuwi ulit noong August 12, 2013 dahil sinagot ng Company ang plane ticket ko balikan, halos maiyak noong sa sobrang pasasalamat sa company namin bukod sa pinayagan akong umuwi ulit kahit kababalik ko lang sinagot pa nila ang plane ticket ko. At noong nalaman nilang namatay na ang nanay namin isa isa na silang nagsitawagan para mag offer ng tulong ang mga kamag-anakan ng Nanay ko.

Mga huling araw ng burol ni mama ko lang nalaman ang kwento tungkol sa paghingi ng tulong ng mga kapatid ko sa kamag-anakan ng nanay namin, parang mawawalan ako ng ulirat sa galit sa sagot ng tita ko na meron silang pera pero di pwedeng galawin dahil pang Down payment ng PRADA things... sobrang galit ang namayani sa pagkatao ko ng mga oras na un.

Kahapon po nagkainitan kami sa Facebook ng Pinsan kong ito dahil isang kamag-anak ng nanay ko ang nasa hospital ulit at ito ang na post ko sa FB wall ko. Quote ko dito:

"TINATAWAGAN KO PO ANG MGA KAMAG-ANAKAN SA SIDE NI MAMA, PAKIBASA LANG PO NINYO ANG POST NI Rhea Gabriel Anna Gabriel, Huwag nyo ng hayaang may sumunod pa sa Nangyari kay Mama, baka magsisi-tawagan ulit kayo kung HULI na ang lahat"

Sa sa isang post na sa Wall ng pamangkin ko, nagkasagutan kami ng pinsan ko at sa dulo non nagawa pa nilang magbiro sa post na un at pagtawanan ang mga nangyaring trahedya sa pamilya namin..., kaya sa sobrang galit ko naka pag post ano ako ng ganito sa Wall ko at dahil po sa post na ito kaya nagbabanta ang pinsan ko na kasuhan ako ng "Oral Defamation, Harassment, and Abusive Words" ito po yong post ko na un:

"HINDI AKO NAGSISI NA MALAMAN NG BUONG MUNDO ANG KADAMUTAN NINYO! NGAUN KO LANG NALAMAN NA MAS IMPORTNATE ANG PRADA SA BUHAY NG NANAY KO! DI BA__________(NAME NG COUSIN KO) MAS IMPORTANTE ANG PRADA SA BUHAY NG NANAY KO?

Ito po ang mga katanungan ko Atty.

1) may grounds ba na makasuhan ako dahil sa post ko na yan? at ano po dapat kong gawin kung tuluyang mag sampa ng case ang pinsan ko, kahapon lang po yan nanyari Attorney at nandito na po ako sa Qatar mula pa noong September 1, 2003

2) Pwede po ba nila akong pauwiin ng pwersahan galing dito sa Qatar pauwi ng Pilipinas, kung magsampa sila ng case laban sa akin?

3) Ano po ang dapat kung gawin Attorney dito sa Qatar pag sinampahan nila ako ng kasong "Oral Defamation, Harassment, and Abusive Words"

4) Pwede ba akong Arrestuhin sa Airport pag umuwi ako ng Pilipinas, after 2 years contract ko dito sa Qatar.

Sana po matulungan ninyo ako sa aking mga katanungan, lubos po akong magppasalamat in advance sa mga ibibigay nyong legal advice sa akin. Help me naman po.

Thank very much po & God Bless po!


Lubos na Gumagalang,

Emann Detera

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum