Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Paniniranf Puri, Ano ang dapat isampang kaso? Libel,Slander, Slight Oral Defamation or Grave Oral Defamation?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Abhoy


Arresto Menor

Greetings!

May idudulog lang po akong isang suliranin, ngunit bago ko po muna isangguni sa inyo nais ko po munang magbigay ng maikling background sa tungkol sa amin.

Kami po ng aking ina ay 23 years na pong naninirahan sa aming Barangay, dito na po ako nakapag-tapos ng pag-aaral. Mula po ng umalis po ang aking ina bilang isang sekretarya ng isang pribadong kumpanya ay nagtayo na lamang po siya ng isang maliit na negosyong sari-sari store at may maliit na kainan sa aming bahay. Ako po ngayon ay isang empleyado ng aming Barangay bilang Office Clerk.Kami po pala ay pangalawang pamilya ng aking ama, at hindi po masyadong nabibigyan ng sapat na tulong. Ang aking sahod o allowance sa pagiging "clerk" ay hindi po sapat sa aming pangaraw-araw na gastusin, kabilang na po ang renta sa bahay, tubig, kuryente at iba pa pong basic necessities.

Sa tagal po ng aming paninirahan sa aming lugar ay wala naman po kaming nakasamaan ng loob o naging kaaway man lang, dahil po ang aming pakikisama at pagtulong po sa iba ay maganda naman po. Subalit nitong nakaraang linggo ay kinausap ako ng aking ina, tungkol sa isang taong naninira sa kanya, ipinagkakalat po ng taong iyon na ang aking ina daw po ay, nag-aalaga ng mga "pok-pok" at kinukunsinte ang mga maling gawain ng kanyang mga customer at kung bakit napakadami ng utang ng aking ina gayung wala naman po siyang pinag-aaral at kung anu-ano pang ibang paninira. Nalaman po ng aking ina ang mga bagay na ito dhil na rin po sa mga sumbong ng mga taong pinagsabihan ng mga maling paratang tungkol sa aking ina. Ang aking ina ay dumaranas ngayon ng pagkahiya, hindi makatulog at laging umiiyak.


Nais ko lng pong iparating sa inyo na halos at madalas pong customer ng aking ina ay mga kapwa ko empleyado sa Barangay, kabilang na po ang aming Kapitan at ilang kagawad. Hindi na po sana namin ito papansinin nga king ina, pero po ang ginagawa nya ay paulit-ulit na lamang po, nais lamang po namin nga aking ina na matuto sya ng leksyon sa mga ginagawa nyang paninira. Hindi lamang po kami ang ginagawan nya ng mga kwento.

Ito pong nasabing taong naninira ay napg-alaman ko pong isa sa empleyado din ng aming Barangay, isang "street sweeper". hindi po namin lubos maisip ng aking ina kung bakit ginagawa po niya ang mga bagay na ito, nung una po naman ay maganda ang pakikitungo niya sa amin, welcome nga po sila sa aming bahay, kung tutuussin po ay tiwala na kmi sa kanya dahil pinapayagan pa naming labas pasok sa aming tahanan ang nasabing babae.

Ano po ang dapat ikaso sa taong ito?, magsasampa po kasi ang aking ina sa Barangay Lupon Tagapamayapa sa aming Barangay at ang tanging prayer o hiling ay mabigyang aral ang taong iyon. Sana po ay matulungay nyo po ako, magsasampa po kami sa darating na lunes, ano po ba ang karapat-dapat na ikaso sa kanya. Need ko po ang immediate response nyo kasi po di ko na matiis ang paghihirap ng damdamin ng aking ina. Ito po aking cp #09236924816.

Maraming salamat po at more power po sa inyong lahat.

beth_dejos@yahoo.com


Arresto Menor

Magandang Araw Po,

Nais ko pong humingi ng payong legal hinggil sa aking kaso o sa kapatid ko.

Kami po ay nakatira sa isang raw house (townhouse style)sa cavite. Ang aming katapat na kapitbahay ay malimit na gumagawa ng mga aktibidades sa tapat ng aking bahay na walang pahintulot tulad ng paglalagay ng kanilang samapayan na nakatayo, pag pa park ng kanilang motorsiko na may pagkakataon ay nakaharang na sa aming dinadaanan papasok at palabas ng gate, pag iihaw ng kung anu ano na umaabot ang usok sa loob ng aming bahay, at ito nga po ay pang huli ang pagkabit ng basketball court na nakasakto sa harapan at gate ng aking bahay.

Ngayon po, may katabi kami na pulis na isa ring officer na aming homeowners bilang PRO (Peace and Order ), subalit sa kasamaang palad, ang naturang PRO ay sinasang ayunan lamang ang mga ma abusadong "activities" ng aking kapitbahay na tapat at humantong pa na siya mismo ay naglalaro sa itinayong basketball court.

sa rules and regulations ng aming subdivision ay bawal po iyon, mismo ang President ng homeowners na ang aking tinanong, hanggang sa ipaalam namin sa naturang PRO na kami ay tumututol sa naturang court dahil nga maraming inconveniences para sa amin lalo na ako ay may limang anak at maliliit pa ang pang 4 at pang lima.

Subalit binali wala lang ng naturang PRO ang pakiusap ng aking mister, kaya ako po ay dumulog na sa Pres.ng association, actually po pang apat na ako sa nag complain sa nasabing court, subalit hindi sila naka pag submit ng formal complain letter, kaya nung ako na po ay gumawa na ako ng formal complain letter base sa ipinayo sa akin ng aming Pres. tutal ako rin po ang direct affected.

Naipasa ko ang naturang complain letter, at makalipas ng ilang araw ay pinuntahan naman po ng aming Pres.subalit since ang PRO ay ka ticket po aming Pres. hindi po maiwasan na i safe pa rin niya ang naturang PRO dahil nga po ka grupo.
Duon sila pumunta sa bahay ng PRO namin na pulis din, at ipinatawag ang aking inireklamo, subalit ako po ay nag aantay na ipatawag ay hindi po nangyari iyon kaya hindi ko alam ang naging usapan. Ang nasabing court ay hindi pa inaalis subalit hindi naman na nila pinaglalaruan.

Ngayon, ang na i complain ko na katapat ay nagpaparinig sa aking kapatid na binata tuwing pupunta duon sa aming bahay ng pang iinsulto, tulad ng parinig na kanta ng para sa bading, nagsasalita ng bading badingan.
At may isang insidente pa po na ako at ang aking mga kaibigan na kapitbahay din ay nag vivideoke sa aming terrace ay biglang nagpatugtog na malakas na halatang naninirya din sa amin. Subalit hindi ko po pinansin iyon dahil iniiwasan ko ang away na usapan. Kaya nga po ako ngayon dito ay sumulat upang idulog ang gagawin ko na legal case, kung maari man.

Payuhan po ninyo ako ng tamang gagawin.

Gumagalang
Beth D.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum