Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

legal advice po lamang. tatlong beses nagpakasal ang mother ko.

+7
cheetoz15
myrzaandan
Pedro Parkero
AWV
Attentionseeker
attyLLL
christopher baligad
11 posters

Go to page : 1, 2  Next

Go down  Message [Page 1 of 2]

christopher baligad


Arresto Menor

magandang araw/gabi po.nais ko po sanang humingi ng payo.
ang asawa po kasi sa ngayon ng mother ko ay isang dutch national..nakadestino sa Saudi bilang isang Manager.14 years na po cla nagsasama sa ngayon.every 6 months lng po ang bakasyon ng step father ko dito sa Pinas.Pero bago pa sila nakasal ay may dalawang kasal na po ang mother ko.

paiikliin ko na lng po ang kwento. two years ago ay binalak ko na po talagang idemanda ang mother ko dahil po sa napakaraming dahilan.(abandonment,Favoritism,etc.)
lumapit po ako sa PAO at pinakita ko po ang tatlong married cert. ng mga kasal nya.sinabihan po ako na pag isipan ko ng husto dahil sa mother ko nga po sya.nagdesisyon po ako na gusto ko lng po sana makausap sila ng step father ko para linawin o ayusin ang mga issue etc.
Tinulungan po ako ng PAO.Nag padala po ng letter ang PAO sa kanila. Nakalagay po dun na ako po ay humingi ng tulong sa PAO para idemanda ang mother ng kasong Bigamy. Pero hindi ko po muna itinuloy para nga po magkaroon muna kami ng pag uusap. hindi po sila nagpunta. ang lola ko po,kapatid kong babae ay pinakiusapan ako na wag na ituloy at nakinig nmn po ako.nabalitaan ko na lng po na kumuha po sila ng abogado at pinapa void po ang mga kasal.gumastos daw po ng 1million sabi po ng kapatid ko na nakatira kasama nila(2 years ago po sa ngayon).na stroke po ang lola ko na nakatira sa akin, ayaw nya po kuhain dahil ayaw daw po ng asawa nya.humingi po ako ng tulong sa kaniya sa pamamagitan ng txt para maipagamot ang nanay nya pero tumanggi po siya.kaya po nagdesisyon po ako na itutuloy ko na po ang demanda.nag punta po NSO ang isang kamag anak ko na may kakilala sa NSO at na verify po na hindi pa po void ang mga kasal nya.ang mga married cert. po kasi na hawak ko sa ngayon ay 2 years ago na po.
tanong ko po: kapag ang mga kasal po ba ay na-void na,ito po ba ay nabubura sa record ng NSO o lumalabas pa din?
kung sakaling naman po na totoong pinapa void daw po ng mother ko ang mga kasal nya,at na void. hindi na po ba ako maaaring mag demanda ng bigamy?
kung sakali naman po na hindi pa ito void sa ngayon,pero sa kasalukuyan ay nilalakad na ng abogado nya,pwede pa din po ba ako mag demanda?
kung makakapag demanda naman po ako,may babayaran po ba ako?magkano po?
kung mademanda ko po ba at naibigay ko na po ang mga dokumento.gaano po katagal ang hearing?
kailangan ko pa po ba ng witness?
unang kasal nya po 1989
pangalawang kasal 1997
pangatlo year 2000
lahat po dito sa Pilipinas
dalawang beses sa Parañaque City Hall at isa po sa Las Piñas City Hall.
Maraming salamat po.

attyLLL


moderator

acquire certified copies from the nso and file a complaint affidavit at the prosecutor's offices where the 2nd and 3rd weddings were performed. of course, a witness is required.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

christopher baligad


Arresto Menor

attyLLL wrote:acquire certified copies from the nso and file a complaint affidavit at the prosecutor's offices where the 2nd and 3rd weddings were performed. of course, a witness is required.



ibig nyo po bang sabihin kailangan po na magsampa ako ng demanda sa paranaque 2nd married at las pinas 3rd married.
(file a complaint affidavit)< ito po ba ay gagawin ko sa prosecutor's offices o pwede ko na po itong gawin sa bahay?
hand written po ba o computerized ang kailangan?
kailangan ko po ba ng valid reason sa pagsasampa ng bigamy?

christopher baligad


Arresto Menor

about po pala sa step father ko na foreinger,kapag napatunayan po ba na guilty ang mother ko sa kasong bigamy,damay po ba sya sa kaso?
maraming salamat po.

christopher baligad


Arresto Menor

una po sa lahat ay humihingi po ako ng pang unawa sa lahat ng nakakabasa sa post ko.maaaring may ilan po sa nakakabasa nito ay nag iisip na masama po akong anak.sana po ay maunawaan nyo po ako at maraming salamat po.

Attentionseeker

Attentionseeker
Prision Correccional

Ang batas natin ay hindi pwedeng magdemanda ang mga relatives! kailangan ang mga naging asawa ng iyong ina ang magdemanda hindi ikaw! oo lalabas na napakasama mong anak at kapag ang foreigner ay napika sa mga relatives kahit ni singkong duling hindi sila nagbibigay ng tulong lumuha ka man ng dugo! dahil na rin sa mga gulong kinasakutan ng iyong ina sa pamilya nya!
Lumalabas na year 2000 pa pala kasal ang ina mo sa Dutch sa Netherlands kapag nag asawa sila ng ibang National matapos ang 5 years ay nakakapag obtain ng Citizenship ang kanilang mga asawa! Kapag meron ng Dutch passport ang ina mo hindi na ito under Philippines jurisdiction! kaya mag habla ka man malaki na ang magagastos mo hindi mo pa rin ito siguradong maipapanalo! lalo na kung nakuha nilang gumastos ng 1 million sa pagprocess ng pag void ng mga kasal nya ibig sabihin kailangang tapatan mo ang kanilang abogado! ngayon kung hindi mo kaya ang mga gastos nila sa anong dahilan mo pa sya idedemanda? ilang taon ka na ba para ihabla mo sya ng abandonement? under age ka pa ba? at nasaan ang iyong ama? hindi lang ang iyong ina ang may obligasyon sa iyo!
At hindi madadamay ang Dutch nyang asawa dahil common na sa mga Filipina ang nagpapakasal sa mga foreigner kahit kasal na sila sa Filipino! so hindi ka paniniwalaan ng batas ng Dutch na alam ng Dutch na asawa ng ina mo na kasal na sya sa iba bago pa sya pinakasalan! Kaya kung hindi ka na menor de edad magbanat ka na ng buto at wag ka ng maghabol dahil lalabas lang na pera lang ang habol mo sa foreigner at alam ng mga taga ibang bansa yan na kapag kasal sa Filipina parang pinakasalan na rin nya ang buong pamilya nito ang lumalabas pa nyan mukha ka lang pera! Hindi habang buhay aasa ka sa ina mo! may life din sya kaya matuto kang magbanat ng buto dapat nga ipakita mo sa ina mo na karapat dapat ka nyang kaawaan at tulungan hindi ang ipahamak mo sya! pero kapag kinalaban mo sya lalo ka lang hindi makakakuha ng tulong!

Attentionseeker

Attentionseeker
Prision Correccional

Sus Maria Joseph 33 years old ka na pala sa record mo dito? eh ano pa ang hinahabol mo sa ina mo? Ang abandonement eh sa mga menor de edad lang! magbanat ka kaya ng buto mo! at kung ang ikinakagalit mo dahil ba sa di ka tinutulungan ng ina mo? dapat nga eh magpaka bait ka sa kanya baka sakaling maambunan ka pa ng grasya hindi yung pineperwisyo mo sya! GET A LIFE!!!

christopher baligad


Arresto Menor

Attentionseeker wrote:Ang batas natin ay hindi pwedeng magdemanda ang mga relatives! kailangan ang mga naging asawa ng iyong ina ang magdemanda hindi ikaw! oo lalabas na napakasama mong anak at kapag ang foreigner ay napika sa mga relatives kahit ni singkong duling hindi sila nagbibigay ng tulong lumuha ka man ng dugo! dahil na rin sa mga gulong kinasakutan ng iyong ina sa pamilya nya!
Lumalabas na year 2000 pa pala kasal ang ina mo sa Dutch sa Netherlands kapag nag asawa sila ng ibang National matapos ang 5 years ay nakakapag obtain ng Citizenship ang kanilang mga asawa! Kapag meron ng Dutch passport ang ina mo hindi na ito under Philippines jurisdiction! kaya mag habla ka man malaki na ang magagastos mo hindi mo pa rin ito siguradong maipapanalo! lalo na kung nakuha nilang gumastos ng 1 million sa pagprocess ng pag void ng mga kasal nya ibig sabihin kailangang tapatan mo ang kanilang abogado! ngayon kung hindi mo kaya ang mga gastos nila sa anong dahilan mo pa sya idedemanda? ilang taon ka na ba para ihabla mo sya ng abandonement? under age ka pa ba? at nasaan ang iyong ama? hindi lang ang iyong ina ang may obligasyon sa iyo!
At hindi madadamay ang Dutch nyang asawa dahil common na sa mga Filipina ang nagpapakasal sa mga foreigner kahit kasal na sila sa Filipino! so hindi ka paniniwalaan ng batas ng Dutch na alam ng Dutch na asawa ng ina mo na kasal na sya sa iba bago pa sya pinakasalan! Kaya kung hindi ka na menor de edad magbanat ka na ng buto at wag ka ng maghabol dahil lalabas lang na pera lang ang habol mo sa foreigner at alam ng mga taga ibang bansa yan na kapag kasal sa Filipina parang pinakasalan na rin nya ang buong pamilya nito ang lumalabas pa nyan mukha ka lang pera! Hindi habang buhay aasa ka sa ina mo! may life din sya kaya matuto kang magbanat ng buto dapat nga ipakita mo sa ina mo na karapat dapat ka nyang kaawaan at tulungan hindi ang ipahamak mo sya! pero kapag kinalaban mo sya lalo ka lang hindi makakakuha ng tulong!


maraming salamat po sa pag sagot. ipopost ko po ngayon ang buong detalye. hiling ko lng po sana ay basahin nyo po kahit medyo mahaba.sa ganitong paraan po baka po maiintindihan nyo kung bakit ko po naisip mag demanda.

christopher baligad


Arresto Menor

Attentionseeker wrote:Sus Maria Joseph 33 years old ka na pala sa record mo dito? eh ano pa ang hinahabol mo sa ina mo? Ang abandonement eh sa mga menor de edad lang! magbanat ka kaya ng buto mo! at kung ang ikinakagalit mo dahil ba sa di ka tinutulungan ng ina mo? dapat nga eh magpaka bait ka sa kanya baka sakaling maambunan ka pa ng grasya hindi yung pineperwisyo mo sya! GET A LIFE!!!


salamat po sa pag sagot. ipopost ko po ang buong detalye.hiling ko lng po sana ay basahin nyo po. salamat po uli.

christopher baligad


Arresto Menor

salamat po sa mga bumasa at sumagot sa aking post.naiintindihan ko po ang naiisip nyo na pera ang hinahabol ko. para maintindihan nyo po ay ikekwento ko po.

Sanggol pa lng po ako ng iniwan ako ng mga magulang kodahil sumama sya sa papa ko. nung nabuntis sya ulit iniwan din nya.bale dalawa kaming mag kapatid na iisa ang ama.tapos po naghiwalay din sila ng papa ko(hindi sila kasal) lumaki kami sa lola ko. nakilala ko sya 7-8 years old na ako. may asawa na syang iba nun.sa mandaluyong po sila nakatira at nagkaroon ng isang anak.kinuha nya kami pero sandali lang kami tumira magkapatid dun kasi po nananakit ang asawa nya samin.nagsumbong po kami sa kanya kaya binalik nya kami sa lola ko. nagkahiwalay din sila at tumira naman sya sa bacoor kasama ung naging anak nila. sa lola ko pa din kami nakatira magkapatid.(P'que).10 years old po ako ng may pinakilala sya samin na lalake.dun po sya nagpakasal.nagsama po sila kasama po yung bunso naming kapatid pero kaming dalawa ng lola ko pa din.naghiwalay din po sila.lumipat sya sa paranaque malapit sa bahay ng lola ko at nagtatrabaho po sya sa Club.may nakilala syang "HAPON"(Japanese National) at nagpapadala ng pera sa kanya monthly. dun nya na kmi kinuha.12 years old po ako.dito ko na po naramdaman ang "FAVORITISM".kapag may kasalanan po kami magkapatid ay sinasaktan kami ng mama ko lalo na pag nakakaaway namin ung bunso namin.at nakikita ko po madalas na may iba ibang lalake na pumupunta samin.nakita ko din po na nagshashabu ang mama ko kasama ang mga lalaking pumupunta samin.maniwala man kayo o hindi minsan ako pa po ang inuutusan ng mama ko bumili ng shabu sa kaibigan nya. ,nagsumbong po ako sa lola ko.inaway po sya ng lola ko.dahil dun sinaktan po ako ng mama ko kaya po lumayas kami magkapatid at bumalik sa lola ko.hindi ko na po alam kung ano nangyare sa kanila ng HAPON.nag asawa po sya ulit.yung napangasawa nya ay yung kasama nya mag drugs.nagpakasal po sila at nagkaanak at lumipat sa bahay ng napangasawa nya.(hindi ko na po alam kung nag da drugs pa sila)malapit po sa bahay ng lola ko,magkapit bahay lng kami.halos araw araw po sila nag aaway.hangang sa nagtrabaho sa po sya ulit Club. 1999 ng makilala nya ang dutch national.(sila pa din ng asawa nya)
(may work na po ako sa isang Resort sa Las Pinas)
(may ari ng resort,asawa po ng pangalawang kapatid ko)
dinala nya po sa pinagtatrabahuhan ko at pinakilala po kaming magkapatid.ito po yung masakit na parte.kinausap po kmi ng mama ko at sinabi samin na wag sana kaming magagalit,kasi bago nya po pala dinala sa resort ung dutch ay ang sabi nya po pala ay mga "ampon"nya kami nung bata pa kami at sya nagpalaki samin kaya Mama ang tawag namin sa kanya.pero yung dalawa po sinabi nya na anak nya sa unang asawa nya.hindi daw po nya masabi na apat ang anak nya kasi daw po baka iwanan sya.pero pag nakasal daw po sila saka nya aaminin.sana daw ay maintindihan namin sya kasi hirap na hirap na daw sya sa asawa nya.napasakit po talaga at napaiyak na lng po kami magkapatid sa sinabi ng nanay namin. lumipat po ng bahay ang mama ko sa Las Pinas kasama ang asawa nya at dalawang kapatid po namin.Nasa saudi po ung Dutch. sa resort po ako nakatira at yung kapatid ko.
year 2000 babalik po yung dutch at magpapakasal daw po sila.hindi ko po alam kung paano nagawaan ng paraan ng mama ko, pero napaalis nya po yung huling asawa nya.dumating at nagpakasal po sila.
dito na po nagbago ang buhay namin. nabuo po ang pamilya namin.nagsama sama po kami mag iina at magkakapatid. hangang sa mabalitaan namin na magdedemanda yung dati nyang asawa. ako po ang inutusan ng mother ko na kausapin yung dati nyang asawa. ginawa ko naman po at nakipag usap ako at sinabihan ko na mula ng bata pa kami ay pangarap na namin magkapatid mabuo pamilya namin.sinabi ko din po na isipin nya po sana yung anak nila na pinag aaral ni mama.hindi nmn po sya nagbibigay ng tulong sa anak nya.at huling sinabi ko po ay kapag may masamang nangyare sa mama ko ay hindi ko po alam ang magagawa ko. hindi po nagdemanda ang asawa nya at naging maayos nmn ang lahat.2x a month ay umuuwi si dutch dito,nakabili po ng mga properties at mga sasakyan.napaka bait po ng step father ko.naligtas po sa kamatayan ang isang anak ko dahil sa pagtulong nya.ang alam nya po ay ampon lng ako pero tinuring nya po akong parang tunay na anak.kaya pinangako ko po sa sarili ko na magiging tapat po ako sa kanya.hanggang sa dumating po yung malaking problema samin.nagkaroon ng relasyon ang mama ko sa driver nya(2010),umupa ako ng tao para sundan sila.nag room sila sa isang motel sa tagaytay,umupa sya ng apartment sa las pinas.pumupunta sya ng bicol sa pamilya ng driver namin.picture na magkayakap sila ng driver namin.may picture po ako ng lahat ng yan.pinakita ko po sa mga kapatid ko ang mga ibedensya para mapag usapan namin magkakapatid kung ano ang gagawin.at hindi ko inaasahan na magsusumbong pla yung isa kong kapatid.dahl dun ay nagkagulo po kami,at gaya ng pangako ko na magiging tapat.magsusumbong na po sana ako sa step father ko pero naunahan nya po ako ng tawag ng mama ko.sinabi nya po na nanggugulo ako kasi na iinggit daw po ako sa dalawang kapatid ko dahil sa selos. sinabi nya din po na wag ako kakausapin kahit tumawag ako sa saudi kasi maninira lng daw po ako.pina blotter nya din po ako sa BRGY. para po hindi ako makapunta sa kanila para hindi ko po makausap ang step father ko.nalaman ko po sa isang kapatid ko na galit na galit sakin ang step father ko.ako pa po ang naging masama.wala sa mga kapatid ko na naglakas ng loob magsumbong dahil nga po alam nila na kayang paikutin ng mama ko ang step father namin.kaya naisip ko idemanda mama ko para mapilitan sya na magharap kami kasama ng step father ko.nagtxt po ako sa mama ko na hindi po ako nanghihingi ng pera o kahit anong bagay at hinamon ko po sya na pipirma ako na wala akong hinahangad kahit anong mana o properties na maiiwan nya.ang gusto ko lng po ay linisin ang pangalan ko at ipaalam sa step father ko na kahit sarili kong ina ay kakalabanin ko bilang pagtanaw sa napakalaking utang na loob na binigay nya sa amin.dahil alam kong darating ang araw ay baka malaman din ng step father namin ang totoo.atleast po ay hindi nya masasabing nag traydor ako sa kanya matapos kaming tulungan.
lumapit po ako sa PAO at pinakita ko po ang tatlong married cert. ng mga kasal nya.sinabihan po ako na pag isipan ko ng husto dahil sa mother ko nga po sya.nagdesisyon po ako na gusto ko lng po sana makausap sila ng step father ko para linawin o ayusin ang mga issue etc.
Tinulungan po ako ng PAO.Nag padala po ng letter ang PAO sa kanila. Nakalagay po dun na ako po ay humingi ng tulong sa PAO para idemanda ang mother ng kasong Bigamy.
personal ko po hinatid ang letter.lumapit po ako sa BRGY. para mag pa escort at kasi naka Blotter nga po ako na nanggugulo daw po ako. kapatid ko po ang nag receive at pinaliwanag ko na hindi po demanda ang Letter na dala ko.gusto ko lng po ng pag uusap.
hindi po sila nagpunta. ang lola ko po,kapatid kong babae ay pinakiusapan ako na wag na ituloy at nakinig nmn po ako.nabalitaan ko na lng po na kumuha po sila ng abogado at pinapa void po ang mga kasal.gumastos daw po ng 1million sabi po ng kapatid ko na nakatira kasama nila.
hindi po ako nanggulo o kumilos laban sa kanila.
na stroke po ang lola ko(2011) na nakatira sa akin.ako po ay may sariling pamilya na at may konting pinagkakakitaan lamang.may tatlong din po at lahat nag aaral.hindi ko po talaga kaya ang gastusin sa lola ko.
.humingi po ako ng tulong sa kaniya sa pamamagitan ng txt para maipagamot ang nanay nya pero tumanggi po siya. yung kapatid ko na po na babae ang nakipag usap sa mama namin at ang paliwanag po ng mama ko ay kaya sya hindi makatulong sa lola namin ay hindi po sya ang nagtatrabaho kaya hindi nya daw po pwedeng basta na lang galawin ung pera ng asawa nya. tumawag po yung kapatid kong babae sa saudi at naipaliwanag po sa step father namin ang sitwasyon ng lola ko. sinabi po ang step father namin na magbibigay ng 52 thou. para sa tulong at para maoperahan din po ang lola ko sa sakit na mayoma.
binibigay po sa akin ng kapatid kong babae ang 15k para pang check up at gamot ng lola ko pero hindi ko po tinanggap at sinabi ko po na sila na lng humawak ng pera at magdala sa ospital sa lola ko. naubos po ang 15k sa at may resibo lahat at pinadala ng kapatid ko sa mama namin. sinabi ko po sa mama ko na kuhain nya na lng ang lola ko dahil sya lng amy kakayahan na gumastos sa lola ko pero ayaw nya.lumapit po ako sa BRGY sept 2012 at humarap sya. hindi daw nya makukuha ang lola ko dahil ayaw daw ng asawa nya.sa totoo lng po hindi ako naniniwala kasi mabait po talaga ung step father namin. pero magbibigay n lng daw po sya ng three(3)thousand monthly sa lola ko. hanggang sa ngayon po ay walang natatanggap ang lola ko at ako po ang gumagastos.ayaw na po makipag usap ng mama ko kahit sa kapatid ko. yung dalawang kapatid na lng po namin ang kasama nya at hindi na din po nakikipag usap sa amin.kaya nga po naisip ko na po magdemanda.Hanggang sa ngayon ay hindi alam ng step father namin ang totoong dahilan sa away naming mag ina. Eto po ang buong katotohanan.

attyLLL


moderator

if your step father knew that she was married then he is liable as an accessory to bigamy.

any person can initiate the complaint. it's a legal document i wouldn't just keep it hand written

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

christopher baligad


Arresto Menor

maraming maraming salamat po attyLLL. base po sa pagreresarch ko sa net at mga batas ay pareho po ng mga sinabi nyo.karapat dapat po ang mga kagaya nyo na sumagot at magbigay ng payo dito sa pinoylawyer.org.hindi katulad ng iba dyan na mapanghusga at mali mali nmn mga sinasabi.

Salamat po uli ng marami attyLLL at mabuhay po kayo!

christopher baligad


Arresto Menor

attyLLL wrote:if your step father knew that she was married then he is liable as an accessory to bigamy.

any person can initiate the complaint. it's a legal document i wouldn't just keep it hand written


maraming maraming salamat po attyLLL.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

eh tulad nga ng sinabi ni attentionseeker 33 years old ka na! ngayon ka pa hihirit na magdemanda? para namang interesado ang buong madla sa haba ng istorya mo! kumuha ka na lang kaya ng lawyer na mababayaran hindi yung parang subtok sa buwan ang sagot na gusto mong marinig dito! me nalalaman ka pang yung iba dyan! eh halata namang matanda ka na pineperwisyo mo pa ang ina mo! sana noon ka pa humirit! ang hirap sa inyo di kayo magbanat ng sarili nyong buto sa akala mo ang pagdedemanda at panggugulo sa ina mo eh instant money? GET A LIFE! ika nga!

christopher baligad


Arresto Menor

AWV wrote:eh tulad nga ng sinabi ni attentionseeker 33 years old ka na! ngayon ka pa hihirit na magdemanda? para namang interesado ang buong madla sa haba ng istorya mo! kumuha ka na lang kaya ng lawyer na mababayaran hindi yung parang subtok sa buwan ang sagot na gusto mong marinig dito! me nalalaman ka pang yung iba dyan! eh halata namang matanda ka na pineperwisyo mo pa ang ina mo! sana noon ka pa humirit! ang hirap sa inyo di kayo magbanat ng sarili nyong buto sa akala mo ang pagdedemanda at panggugulo sa ina mo eh instant money? GET A LIFE! ika nga!

salamat po sa reaksyon sir. sagutin ko lng po.
(33 years old ka na! ngayon ka pa hihirit na magdemanda?)>>wala pa akong alam sa batas dati na pwede pala ako magdemanda.kaya nga po ako nagtatanong.
(yung magbanat po ako ng buto)>> may sariling patubig po ako,bilyaran/videoke at maliit na canteen.
(akala mo ang pagdedemanda at panggugulo sa ina mo eh instant money?)wala po akong monthly allowance na hinihingi sa mother ko at hindi ako umasa o naging pabigat.kung anong meron ako ay hindi galing sa kanya. galing sa pinaghirapan namin ng asawa ko.
ang hinihingi ko po kuhain nya yung nanay nya po na naistroke dahil sa pagkakaalam ko po sya ang mas obligado hindi po ako.
( halata namang matanda ka na pineperwisyo mo pa ang ina mo!)lolo at lola ko pati kapatid nyang lalake(uncle ko)lahat po ako nagpapakain,bahay tubig kuryente.lahat po akin. hindi ko na lng sinama sa kwento ung lolo at uncle ko dahil wala nmn sakit at kaya ko pa naman gastusan.eh pano ang nanay nya? anyway,salamat po sa reaksyon/komento nyo.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Yun naman pala mayaman ka naman pala sa kwento mo eh! eh ano pa ang hinahabol mo sa ina mo? depende yan sa situwasyon sa atin sa Pinas maraming ina ang walang kwenta at mapang abuso sa mga anak! siguro nagdaan ang ina mo sa mga kalupitan ng magulang nya dahil kung mapag mahal ang lola mo hindi sya pababayaan ng ina mo! walang obligasyon ang ina mo sa lola mo! lahat ng taong isinilang sa mundo may karapatang piliin kung ano ang gusto nila sa buhay! lumalabas na hindi interesado ang ina mo na alagaan at kupkupin ang lola mo! wala kang karapatang guluhin ang buhay nya kung ayaw nyang tumanaw ng utang na loob sa lola mo!

bibigyan kita ng halimbawa! ang lola ng partner ko napakasama ng ugali! sa sama ng ugali pati yung anak ng Tita ng partner ko na patay na at abo na ay nagawa pang i hostage ng lola ng partner ko! kaya wag mong sasabihing alam mo lahat ang istorya at hinanakit ng ina mo sa lola mo! ina mo sya kung ano man ang gawin nya sa ina nya nasa sa kanya na yun at nasa kanya rin ang balik kung talagang masama syang tao at ayaw tumingin sa pinanggalingan karapatan nya yun! pero ang ikaw na anak na nagpaplanong gumawa ng masama sa sarili mong ina sana ibalanse mo rin! mabuti bang ina sa kanya ang lola mo? karapatan ng ina mo ang mag karoon ng tahimik na buhay! marami akong alam na mga Filipino at Filipina sa abroad na tumalikod na sa kanilang pamilya sa pilipinas! bakit ika mo? dahil nakakahiya sa asawa nilang Banyaga na walang ginawa ang pamilya nila sa Pilipinas kundi manggulo! sa bandang huli nasisira ang bawat Pinay at Pinoy sa ibang bansa dahil hindi na natapos ang mga kamag anak ng mga ito sa Pilipinas sa panggugulo sa kanila kahit milya milya na ang layo nila!

May mga taong masaya ng nakaka perwisyo mas masama pa nito mismong mga kamag anak pa ang sumisira sa kanila!
Mag isip ka bago ka gumawa ng hakbang na ikalalabas na ikaw ang masama, ang mga tao mapag higanti at puno ng galit sa puso ay hindi nagkakaroon ng kapayapaan sa puso! Tutal ang isip mo ay nakakatulong ka sa lola mo bakit hindi ikaw na lang ang mag aruga? sa halip na maka perwisyo ka sa ina mo dapat hindi mo na pina lalala ang situwasyon! dalahin na nya yun kung maganda ang pagtrato ng lola mo sa kanya at ito ang isinukli nya, nasa sa kanya na yun! merong KARMA at lahat ng taong masama ay hindi pinagpapala! Yun lamang po!

christopher baligad


Arresto Menor

salamat po sir.
naiitindihan ko po lahat ng sinabi nyo.salamat din po sa pag payo nyo sa akin.kung matuloy man po ito o hindi ay maaaring kagustuhan na din po ng nasa itaas. naniniwala po kasi ako na kung minsan ay gumagamit ng kasangkapan ang nasa itaas upang magbigay ng paalala,halimbawa o leksyon sa mga taong nagkakamali. at kung ako po ang kasangkapan na yun o hindi ay sya na po ang bahala.masakit po sa akin ang mga nangyayare lalo po nakikita ko ang lola ko na hirap sa kanyang karamdaman.
ganun pa man. tatandaan ko po ang inyong payo.
maraming salamat po.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Hindi kagustuhan ng nasa taas kung matuloy ang panggugulo mo sa iyong ina! ang tinatawag na pagpapasa Diyos ay walang bahid ng paghihiganti kusang nagaganap ang nakatala at hindi isinasakatuparan ang paghihiganti! tulad ng sinabi ko sya lang ang nakaka alam kung ano ang dapat maganap sa bukas ng iyong ina at kapag ginulo mo ang iyong ina yan ay hindi pagpapasya ng nasa itaas! yung lamang po!

Attentionseeker

Attentionseeker
Prision Correccional

I agree! Smile

Pedro Parkero

Pedro Parkero
Reclusion Perpetua

wala ka ng kasi sa mommy mo kasi nag prescribe na ang kasong bigamy. more than 10 years na ang nakaraan ng una siyang nagpakasal (prosecution sa bigamy prescibes in 10 years)

pwede mong obligahin ang mommy mo na supportan ang mommy niya kasi obligasyon niya ito. action for support ang tawag dito.

btw, to erase ur hatred, u hav two options: revenge or forgive. mas maganda yatang choice yung magpatawad. kasi ung isang fren ko, sa galit niya binaril niya yung pabaya niyang nanay, ayon hanggang ngayon nakakulong....

at sa second choice, ika nga....to forgive is divine... lucky u may oppunidad kang magpatawad, ergo pwede kang maging divine. itsup 2u Smile

attyLLL


moderator

there is jurisprudence that the reckoning point in bigamy is the time of discovery of the second wedding, not the time the marriage was actually celebrated or registered

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Kalokohan lang ang mag demand sa ina mo dahil hindi namin alam kung ano ang pakikitungo ng lola mo sa kanya! maraming mga makalumang magulang na ang pag aakala ay ang pagmamalupit sa mga anak ay parte ng pagiging magulang! Please let's not be one sided here! baka may mabigat na dahilan kaya itinakwil ng ina mo ang lola mo! yung ina nga ng Tita ng partner ko napakasama! nakuha ba naman i hostage ang labi ng apo nya at pinatutubos sa ina! hindi porke magulang eh mabuti sa anak at ang lahat ng anak ay suwail! minsan merong sobrang bait na anak na ang ina ay abusado at sukdulan ang kademonyahan! Take note! Yung Tita ng partner ko sinuportahan nya ang magulang nya for more than 10 years ano ang sukli sa kanya? HINDI LANG EMOTIONAL BLACKMAIL!!! BLACKMAIL NA PAGKAKAPERAHAN PA!!! marami nyan sa atin kaya sana bago tayo mag bigay ng idea balansehin natin ang pagpapayo! Dalhin mo sa Face to Face baka makatulong ito ng magkaharapan at makapag research sila dahil lalabas at lalabas ang totoo! yung lamang po! Razz

christopher baligad


Arresto Menor

salamat po sa pagsagot. kung pwede nga lang po mag face to face ginawa ko na po para lumabas ang totoo eh. alam ko kung bakit ganun na lng ang galit nya sa lola ko,inaaway sya ng lola ko pag may mali syang ginagawa lalo na nung nagdadrugs sya at nanlalake.kaya nga po nag post ako ng story sa page 1.para lng po ishare at maipaliwanag po dito ng sa ganun po ay makahingi po ako ng mga payo. alam ko pong hindi nmn interesado ang iba sa buhay ko.pero para lng po maipaliwanag ng maayos ay sinabi ko na po ang buong istorya.hindi nmn siguro sya mabubuhay kung pinabayaan sya ng lola ko.at ang pinaka punto ko po dito ay gusto ko lamang ng pag uusap.linisin ang pangalan ko at nagbabaka-sakaling maitama ang mali.hindi nmn po sya basta kamag anak lng.nanay ko po sya at alam na alam ko na mali na ang ginagawa nya. example,may bahay kmi sa tagaytay pero kumuha sya ng care taker(relatives ng dati namin driver)4k a month sahod.libre lahat.kasama pa ng care taker ang asawat anak nya. mama ko nagpapakain nun.diba dapat yung uncle ko na lng at lolo at lola ko na lng pinatira nya dun?eh ako po lahat nagpapakain dito.pati gamot po ng lola ko.wala nmn po syang binibigay na tulong.may mga anak at sariling pamilya din po ako.ilang beses na po ako nagpasabi sa mama ko na mag usap kami kaharap yung asawa nya.ayaw nya po.siguro natatakot sya malaman ng asawa nya ang totoo dahil puro kasinungalingan ang sinabi nya.ang taong walang kasalanan ay hindi natatakot humarap lalo na po kung alam mo na ikaw ang tama.
yun lamang po at maraming salamat.

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

Ganun pa man! may kasabihan na "don't wash your dirty linen in the public" ibig sabihin ano mang baho ng pamilya sana ay manatili sa pamilya lang! papano kami nakakasiguro na totoo lahat ng sinasabi mo? ang tao kapag humihingi ng simpatya lahat ng sasabihin ay pabor sa kanya! hindi maganda na one sided at mapang husga kaya nga dapat magkaharapan kayo hindi na dapat idamay pa ang asawa nya dahil magsinungaling man sya sya pa rin ang papaniwalaan ng asawa nya hindi kayo!

Ganun pa man ina mo pa rin sya kung talagang ginagawa nya yon, it sounds like na malaki ang galit nya sa relatives nya! hindi nakakapag taka dahil marami akong alam na ina ng mga friends at relatives ko na super kasasama ng ugali! so sa puntong ito ikaw lang ang makakapag pasya ang amin lang ay payo na balansehin mo ang lahat dahil sa bandang huli may KARMA! either ikaw o ang ina mo ang tamaan nito! kung talagang masama syang ina let her have the bad KARMA pero kung gagawa ka ng paghihiganti sa ina mo ikaw ang MAKAKARMA! REVENGE IS SWEET BUT DEFINITELY BITE BACK IMMEDIATELY! ang taong mapang unawa at mapag patawad, hindi nagtatanim ng galit sa puso at isipan ay pinagpapala ni GOD! yung lamang po!

christopher baligad


Arresto Menor

paano kayo nakaka sigurado kung totoo sinasabi ko? yan po ay hindi ko kayang sagutin.wala nmn po ako mapapala lalo kung magsisinungaling pa ako.ako po ay humingi ng tulong dito para sa payong legal.tama po kayo,hindi maganda ang one sided at mapaghusga kaya dapat ay magharapan kami.yan po talaga ang gusto kong mangyare.kaya nga po naisip ko na magdemanda.kasi ayaw po talaga humarap o makipag usap ng mother ko.hindi ko po dinadamay ang asawa ng mother ko.isa nga po sya sa dahilan kung bakit ako lumaban sa mother ko.napakabait po ng step father ko na niloloko ng mother ko.kaya nga po ako nagtatanong kung ano ba mangyayare sa kanya.kasi po napakalaki ng utang na loob naming lahat sa step father ko lalo na ng iligtas ng step father ko ang anak ko sa tiyak na kamatayan.kaya nga po gusto ko ng harapan,alam ko darating ang araw malalaman ng step father ko ginagawa ng mother ko.ano iisipin ng step father ko,matapos kami tulungan nagawa ko pang mag traydor.kaya nga po nakiusap ako kay attention seeker na basahin yung istorya ko kasi po naging mapanghusga sya agad, ako nmn po ay nagpapaliwanag lamang po sa inyo.maniwala man po kayo o hindi ay tinatanggap ko po.dahil alam ko nmn magkakaiba po tayo ng situwasyon o pinagdadaanan. maraming salamat po.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum