May problema po ako kasi hindi ako makapag-rehistro sa local registry kasi may pinaregister ang aking uncle pero iba po ang aking first and last name dun. Kasi ang nangyari eh gusto ng uncle ko na sa kanila ako nakapangalan.
Baket po hindi ako pwede kumuha ng Birth Certificate e iba naman po yung pangalan na nakarehistro sa ginagamit ko mula ng ako'y bata pa.
Halimbawa:
Ang nakarehistro sa local civil registry eh Juan dela Cruz ngunit ang aking tunay na pangalan ay Jose del Pilar.
Ang nangyari po kasi ay kilala din ng tega civil registrar ang pamilya namin kaya sabi niya kelangan daw ikaso muna.
Ano ba dapat kung gawin? Kelangan po ba talaga na ikaso ung gnung sitwasyon?