Magtatanong lang po ako ng adcise kung ano po ang dapat kung gawin, kasi po ang asawa ko ay nag abroad pumunta po ng Dubai noong Oct 2008 (with mutual decision for the financial needs of the family) nung umpisa po madalas ang communication. Nung mga June 2009 po yung asawa ko ay tumawag sa akin at nakikipaghiwalay nap o, siyempre bilang asawa hindi po ako pumayag. Pakatapos po nun hindi nap o siya tumatawag sa akin. Malaman ko na lang po sa pinsan niya na nasa Dubai na may babae na siya dun at ipinakilala sa kanila na asawa. Salamat nap o sa FB dahil lahat ng ebidensiya ay nandun mga pictures nila nung babae. Yung pinapadala niya na financial support para sa mga bata ay tinigil na rin po niya. Ngayong Dec 2011 nakita ko po sa FB na umuwi sila sa Pilipinas kasama yung babae, nakita kop o tong lahat sa FB at naitanong ko nga din po sa mga biyenan ko…kung hindi ko pa nga po sila tinawagan e hindi po nila sa akin sasabihin. Ang gusto ko na lang po ay magkausap kami at huming ng sustento para sa 3 naming anak. Ang kaso nga po di siya nagpakita at di ko rin po alam kung saan siya pupuntahan..ang iniisip ko na lang ay maghain ng HDO para ng da ganun hindi siya makalabas ng bansa at mapilitan na kitain ako. Kailangan magawa kop o ito sa lalaong madaling panahon bago sila makaalis ( hindi ko po alam kung kelan ang balik nila sa Dubai). Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko at saan ako maguumpisa. Nawa’y masagot niyo po ako…maraming salamat po