Yung husband ko po nagkaanak sa isang babae which he claims he doesn't have a romantic relationship with.
Mag-2 yrs old na yung bata at ngayon ko lang din ito nalaman. He signed the birth cert. He was giving financial support until I came to know about it.So I refused to continue the support. My reason is, kung sa min nga ngkukulang pa yung sweldo niya tapos magbibigay pa siya sa iba. At kaya pala nagkukulang ay dahil dun. Housewife lang po ako at 2 na anak namin. Nag-aaral pa yung isa. Maliit lang din naman sinusweldo ng asawa ko. Hindi ko naman ma-take na magtipid kami, tipirin yung ibang pangangailangan ng mga anak ko tulad ng vaccines or send them to public school para lang makapagpadala siya sa anak niya sa labas.
Hindi rin po ginusto ng husband ko yung nangyari sa kanila. Actually, may parang emotional disorder po yung babae na nagwawala pag hindi pinapansin ng asawa ko kaya pinakisamahan na lang po niya. High school friend po kasi niya yun. Isang beses lang daw yung nangyari sa kanila. I chose to believe my husband kasi nababasa ko
rin naman yung mga texts and emails nung babae before (for the past years that they were friends) na begging for attention nga. Which means, di talaga siya pinapansin ng asawa ko. So the point is, siya naman ang may gustong magpabuntis eh. At mula't sapul alam niya pamilyado ang asawa ko pero kinu-kulit kulit pa rin niya. We think nga
na she desperately wanted na magka-anak sa husband ko tapos ngayon manggugulo siya for financial support.
Ngayon po nananakot yung babae. Magpapadala daw ng demand letter. Ano po ba pwede namin gawin? Ayaw po talaga namin magbigay ng kahit magkano dahil bukod nga sa hindi namin kaya, ayaw ng asawa ko talaga dun sa bata.
Ayoko rin po siya kasuhan ng monetary damages hanggat maaari. But if she pursues the child support case, I might be willing to. Another question is, when is the proper time to file this monetary damages against her?
Thanks in advance po, Atty.
God Bless.