Pinahiram po ako ng pinsan ko ng pera,50k para sa business na plano namin at 20k para sa personal kong inutang sa kanya.Ang usapan sa 50k is monthly ako magbibigay ng 10% bilang interes sa kanya nakapagbigay ako ng interes for almost 1 year pero pagkatapos noon nawalan kmi ng communication ng matagal at dahil dun ay di ko naiwasan na magastos ung puhunan namin.Ngaun last Dec 2010,nagkita kami after almost 1 year na walang communication,nakapagbigay ako ng 7k bilang paunang bayad sa kanya tapos napag-usapan na magbibigay ako ng March 2011 pero ang usapamh yun ay hindi ko naisakatuparan.Ngaung buwan ay umuwing muli ang pinsan ko galing HongKong at gustuhin ko mang magbigay sa kanya ay wala akong maibigay dahil naconfine ako at nakaleave ng 1 buwan.Hinikayat niya akong mag-usap kami pero dahil sa mga pagbabanta niyang sasaktan ako nawalan ako ng lakas ng loob na humarap sa kanya.Ngaun po ay binigyan niya ako ng hanggang huwebes para makapagbigay sa kanya.Dahil sa mga pagbabanta niya na sasaktan ako kaya hindi ako humarap sa kanya.Wala po akong plano na takbuhan ang malaking pera na yun,ano po ang nararapat na gawin.May karapatan po ba siya na saktan ako ng pisikal o pagsalitaan ng masasama dahil may utang ako sa kanya o may karapatan din ako na ipagtanggol sarili ko kahit na ako ung may pagkakautang sa kanya.Lahat po ng usapan namin ay verbal at wala kami pinirmahan na kasunduan,pati po ung mga idniposito ko sa account ng biyenan niya bilang mga interes nung 50k ay hindi ko naitago mga resibo.