Magtatanong lang po sana ako. Nagpautang po ako ng 30,000 PHP and may ginawa po kaming contract nakalagay po lahat dun na ang interest po ay 2000 PHP /month until di fully paid. Yung utang po na yun ay nagsimula from 2012 and hanggang ngayon di nababayaran dahil po kadalasan 1000 lang hinuhulog nung nangutang hanggang sa lumaki na po ang utang dahil po sa interest. Pahirapan po ang paniningil. Minsan ang hirap pa po makausap. Ngayon po, yung nangutang ayaw na po magbayad dahil sobra na daw po nabayad nya. Pagpinilit daw po sya magdedemanda daw po sya, pwede po ba sya magdemanda e meron pong written agreement in which clearly stated po ang agreed upon amount of interest? Paano po fully masisingil sya sa utang? Ano po kaya pwedeng legal actions kung magdemanda po sila dahil ininsist ko na magbayad?
Di naman po sya niloko dahil nagpirmahan kami at malinaw sa aming dalawa nag dapat bayaran. Sya na po ang nangutang at di nagbayad, sya pa po magdedemanda, ganun po ba yun? Paano po ang right way iaddress ito sir? Sana po mabigyan nyo po ako ng advice para po maresolve ito ng maayos. Napakaunfair naman kasi sir. Ako na po nagpautang, ako po yung naghabol tapos halos ayaw magbayad tapos ako pa po idedemanda.
George