Tanong ko lang po kung ano po ang pwede kong gawin. Umutang po kasi sa akin ang friend ko ng 25k last year October. Wala po kaming written agreement kasi nagtiwala ako sa kanya. Usapan po namin na bbyaran nya ako every payout. First few months, nagbbyad naman po sya ng maayos. Pero simula po nung December ay hindi na siya nagbayad. Nagbayad ulit sya nung march and then after nun wala na naman. 19k pa po ang utang nya. lagi po nya sinasabi na next week nalang. Kaya lang june na po ngayon. ano po ba ang dapat ko gawin?
Maraming salamat po.