I am part of a small group/cooperative sa office namin na nagpapautang sa kapwa employees. May isa akong officemate na nangutang. Nung una, matino naman magbayad kaya nung nangutang ulit, pinayagan ko especially since may family emergency raw. Walang formal na written requests to. Mga text lang or message sa FB/Skype. Hanggang sa umabot sa mahigit 150k ang utang nya. Nagkasundo kami na 150k na lang bayaran nya, even if I'm already at a loss, mabalik lang yung pera kong pinahiram dun sa cooperative. Pero ever since Nov 2015 ay di na sya nagbabayad kahit ilang beses ko nang pinagsabihan. Kesyo ganito raw, kesyo nasa magulang nya yung pera. Lately, iisyuhan daw ako ng post dated checks para sigurado pero after ilang weeks, wala pa ring nangyayari. I'm already considering filing for small claims pero ang concern ko po ay wala kaming written na agreement.
If I may ask, required po ba ang formal agreement bago ako mag-file for small claims? At ano pa ba ang mga kelangan para makapag-file ako ng small claims para sa case na to?
Any information will greatly help po. Maraming salamat po!