I am an OFW in Saudi Arabia. I met my husband in 2004 and got pregnant the same year. during those time, inamin niya sa akin na iba ang pangalang ginamit niya sa passport niya, because his real name was blacklisted sa US Embassy for some reason. Since wala pa po akong isang taon sa pinapasukan ko and the law here is very strict and I didn't want to go back in the Philippines, to protect myself being terminated from my work I marry him in Philippine Consulate na ang gamit niyang pangalan ay yung hindi niya tunay na pangalan.Nagsama po kami dalawa. After 6 years, nabuntis po ulit ako. 8 months po ang tiyan ko, umuwi po sila ng Pilipinas kasama po yung anak kong panganay at yung nanay niya para iuwi yung body nung biyenan kong lalaki na namatay dito sa Saudi (Nandito rin po sa KSA yung magulang niya nung magkakilala at magsama kaming dalawa). Naiwan po ako ditong mag-isa sa Saudi. March 28, araw dapat ng flight pabalik ng mag-ama ko, hindi na po sila bumalik. Nahirapan na po akong makipag-communicate sa asawa ko after nung umuwi sila ng Pilipinas. April 21 nanganak po ako na ako lamang mag-isa dito sa Saudi. Nagmakaawa ako sa asawa ko na bumalik para ipa-register ang anak namin, dahil ideally dapat po ang tatay ang magpapa-register sa bata pero hindi na po nangyari yun. Nalaman ko po na kaya po ganun siya katigas sa akin ay dahil sa may bagong babae na siya sa Pilipinas from Iloilo na presently working in Canada. Nag-file po ako ng Affidavit of Abandonment sa Philippine Embassy against him. Now po nabalitaan ko na inaayos nung bagong babae niya yung pagiging blacklisted ng real name ng ex ko dahil gusto niyang isama ito sa Canada.
Tanong ko po
1. Maisasama ba nung bagong babae sa Canada yung asawa ko considering na kasal ito sa una nitong asawa na na-found out ko na lang lately (using his REAL NAME).
2.Makapag-ask kaya ako ng financial support sa kanya kahit na hindi niya tunay na pangalan yung nasa marriage certificate namin.
3. Anu-ano po ang mga charges na pwede ko i-file against him.
4. Pwede ba siyang makulong for falsifying public document. How long? Dahil yun po ang gusto kong mangyari para hindi na po siya makapangloko pang muli ng ibang babae.
Hoping for prompt response on this matter. Many thanks.