Gusto ko lang pong malaman kung meron nakalagay sa labor code kung ilang months dapat para masuspend ka dahil sa tardiness.
Ganito po kasi sa company namin, if you are late ng lampas ng 4hrs in one month magkaka-memo ka for that month pero warning lang po siya ibig sabihin 1st offense palang.
Ang mga naging offense ko po ay:
January 2010 = verbal warning (1st offense)
October 2010 = written warning (2nd offense)
December 2010 = final warning (3rd offense)
February 2011 = 6days suspension (4th offense)
Ang pagkakaalam ko po kasi dapat magkakaron ako ng clean slate this year, which is back to zero na po dapat. Ang sabi po ng HR samin nasa Labor Code daw po yun ginawa sakin na suspension. Ang tanong ko po me nakalagay po ba sa Labor Code kung kelan marerefresh ung mga offense mo sa tardiness. Salamat po in advance.