Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Suspension due to Tardiness

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Suspension due to Tardiness Empty Suspension due to Tardiness Mon Nov 20, 2017 5:14 pm

Kenessa777


Arresto Menor

Hi po.. ask ko lang po sana if valid parin po ba mag-issue ng mga Warning and 2 memos for suspension in 1 go? kasi ang nangyari po ay nagkaroon po ako ng late nung January and February 2017 then ibinigay po sakin ung warning memo nung April na without me knowing na pati po pala yung march ay meron din akong memo dahil nag-excess po ako ng no. of minutes late. This was all given after ng training contract ko sa kanila which I already signed new contract na po.. Hindi ko po agad pumirma s sanction kasi tinanong ko po muna sila bakit ngayon lang ibinigay lahat ng memo at sabay sabay pa kung kelan tapos na ang training contract ko at nasa probi period n po ako and told them willing naman po ako tanggapin if yaan po yung nakasaad sa proper procedure nila.. hindi naman po nila ako masagot why it took that long and hnd na po nila ako binalikan.. then dumaan po ang ilang buwan ngayon pong November after ng probi contract ko ibinigay po nila uli yung mga memo ko for January to March and July in one go.. ok lang po ba yun na pagsabay sabayin nila ang lahat ng suspension 3+6+12days? Thank you po and God Bless..

2Suspension due to Tardiness Empty Re: Suspension due to Tardiness Tue Nov 21, 2017 6:47 am

mikos23

mikos23
Reclusion Perpetua

pag hindi nabigay ang memo mo ka agad agadm, hindi ibig sabihin ay absuelto ka na sa violation mo or bale wala na ang pagiging late mo. baka marami lang ginagawa at ngayon lang na asikaso.

ok lang ang pag sabay sabayin, basta dumaan sa tamang proseso. ang hindi mo pag "tangap" o pag pirma sa "sanction" ay hindi ibig sabihin na absuelto ka na din, pinalalabas mo lang sa mata nila na ayaw mo tangapin ang batas ng kumpanya.

advice ko... wag ka na mag pa late.

3Suspension due to Tardiness Empty Re: Suspension due to Tardiness Tue Nov 21, 2017 9:15 am

Kenessa777


Arresto Menor

Thanks po.. actually tinanggap ko naman po sya Smile kaya lang nagbigay ako ng advice sa kanila na idaan nila sa tamang procedure yung pagbibigay ng memo nextime, hindi po yung kailangang umabot pa after 5months or much worst is tapos na ung 6mos training ng employee ay saka sabay sabay po nila ibibigay lahat which is nasa panibagong contract na po yung tao. I agree naman po na dapat talaga ay may sanction ang mga late para matuto ang empleyado but with proper procedure. Actually wala naman po akong balak ireklamo sila but as part of Audit team ng company namin napansin ko po yung procedure nilang ito na gusto ko sana itama para walang masilip ang ibang empleyado na gagawan rin po nila ng ganitong sistema or procedure lalo na po sa company namin na come and go ang mga tao at hnd masyado nagtatagal, baka po makitaan sila ng butas s procedure nila. Kasi according to Labor code Article 282 na nabasa ko po before giving a sanction dapat po muna dumaan sa tamang due process which is some part of it is nakadepende na po sa discretion ng Company like Verbal/Written warning then sanction na po kapag inulit pa then final na po yung dismissal.. Not Written warning and all the sanction sabay sabay.. Samin din po kasi walang binibigay ang company namin na employees handbook, papapirmahin ka lang na inorient ka nila regarding sa sobrang haba nilang procedure and company policies.. Lumalabas po kasi na yung essence ng procedure ay hindi narin po nasusunod at ibinibigay nalang po nila yung mga warning and memo na yun para lang po masabing somehow sumunod sila sa ganung process..

Sa totoo lang po mabait po yung company President and VP namin and they ask me personally if kung totoong may mali po s process nila na maaring ikahantong sa pagreklamo ng mga empleyado sa DOLE ay ipakita ko daw sa kanila yung proof ng tama and willing naman po silang itama at baguhin yun which I'm trying to do right now kaya po nag-seek din ako ng tulong sa inyo dahil ayoko naman pong ireklamo ng ibang empleyado namin ang company at worst eh pagkakitaan pa dahil lang po sa hindi maayos na procedure nila na maaring masilip rin ng DOLE na magiging in favor naman po sa part ng empleyado na magrereklamo... Yun po din yung purpose ko kung may sense din po ba talaga yung mga advice ko sa kanila if I'm making any sense po ba sa lahat ng sinabi ko sa kanila? Pero kung tama naman po yung procedure nila atleast I can advice them na they can go on with it na at wala na pong mali kahit pa it will take 10months for them to release the memo for suspension ng sabay sabay dahil hindi naman sila pwede ireklamo sa DOLE s ganung proseso nila.... Thank you po uli sa advice.. more power po sa inyo dahil marami po kayong natutulungang tao para maging malinaw kung ano po ang tama at mali.. God Bless..

4Suspension due to Tardiness Empty Re: Suspension due to Tardiness Tue Nov 21, 2017 2:55 pm

Kenessa777


Arresto Menor

I'm just hoping to hear some advice regarding this para lang po mas maging malinaw sakin ang lahat.. thank you..

5Suspension due to Tardiness Empty Re: Suspension due to Tardiness Wed Nov 22, 2017 6:50 am

HrDude


Reclusion Perpetua

Mali yang process nila. Questionable yan.

6Suspension due to Tardiness Empty Re: Suspension due to Tardiness Thu Nov 23, 2017 2:52 pm

Kenessa777


Arresto Menor

Usually po.. until when nagiging Valid ang sanction after ng violation? thank you..


Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum