Good day po. Madami na sa ahente ng account namin ang nagrereklamo pero walang boses maglabas ng galit sa management dahil sa ginagawa nila. Sa Call center po ang trabaho ko. Nagsimula po ito nung july, mandatory OT lahat ng ahente sa account namin dahil daw marami ang NAGAWOL, RTWO,ABSENT ETC. Hindi umubra ang 30 mins kaya inaraw araw kame ng 1 oras. wala po kameng magawa kase sabi sabi by august daw ok na. Come august po, same scenario nanaman. 1 hr ot na buong buwan. Hanggang ngayon po ganun ang ginagawa nila. Nagsasabi sila ng date kung kelan matatapos pero iuuron nila ng iuurong. Ano po ang pwede naming gawin? May karapatan po bang tumanggi ang mga ahente sa ganito? Ang dahilan po nila, kulang kase sila sa tao.