BPO agent ako. Halos 1 month na kaming nagoovertime na may pre-shift OT ng 2 hours daily at Rest Day OT naman either sabado o linggo, lahat yun MANDATORY. Bagong account yung handle namen, so yung mga trabaho nung pinalitan naming mga ahente, samin napunta. Kailangan naming magclose ng napakaraming cases. Sabi ng mga bosses, they conducted a research na kailangan ng 35 representatives para magawa yung ginagawa ng buon team namin. Ang team namin ay composed of 11 members lang at minsan umaabsent pa yung isa o dalawa.
So parang ang labas, bawat isa samin ay nagta-trabaho ng apat na tao dapat ang tumatrabaho, at dagdagan mo pa pag may umabsent saming isa o dalawa.
November 2 and 3, hindi ako nag pre-shift OT. So imbes na 7pm ako pumasok, 9pm ako pumasok. Nabigyan ako ng show cause memo dahil dun. Type A (Verbal Warning) lang naman.
Nakalagay na date sa pinirmahan kong "show cause" memo ay November 4, pero November 6 ko siya pinirmahan. Huli ko na nakita na Nov 4 pala nakalagay dun. Tsaka meron din akong pinirmahan na Mandatory OT form na included yung araw na November 2 and 3. So ang labas sabay kong napirmahan yung show cause memo ko tsaka yung Mandatory OT form noong November 6. Legal pa siguro yun kahit late ko na napirmahan, ano?
Ang concern lang namin ay kung legal ba yung 2 hours pre-shift OT at RD OT ng isang buwan at ongoing pa rin ngayon?
Lagi nilang sinasabe na matatapos na yung mga OT pagtapos ng 2 weeks, pero pagkatapos nun ieextend nanaman nila ng 2 weeks. Yung pinirmahan naming mandatory OT form, effective hanggang November 17.
Kung may susunod na mandatory OT form na papapirmahan samin, pwede ba akong hindi pumirma? Anong gagawin ko pag pinilit akon pumirma ng mga boss ko?
Kung mateterminate ako dahil dito, may laban ba ako?