Tumatanggi po kami bayaran kasi bakit kami ang magbabayad ng napakalaking halaga para sa maling nagawa ng iba. Kaya po dumulog ako dito para po malinawan. Ano po ba ang kailangan namin gawin para po sa problemang ganito?. Tapos na po ung bahay pero wala pa po kuryente, mag iisang taon napo. Ang sabi po ng electric company, wala na daw po option kundi kailangan namin bayaran ung amount ng jumper case ng dating may ari na namatay na nung 2013, pero buhay pa ang asawa at mga anak na syang nagbenta ng property sa amin.
May affidavit po na binigay sa amin ung seller na nagpapatunay na walang naiwang utang kanino man ung tatay nila. Hindi po nila sinabi sa amin na may jumper case ung property.
Wala po kami alam na kailangan po pala na i check sa electric company kung may utang ba ung bibilin namin property, kasi ung mismong seller na nagsabi sa amin na wala pong utang at problema ung property.
Sana po ay matulungan nyo po kami kung ano po ang dapat namin gawin, di po kasi namin alam ang proseso.
Nagpapasalamat po ako ng marami sa mga inputs nyo..