Meron po akong discrepancy sa middle name at na-inform lang po ako nung tina-try ko nang mag-apply for teacher's board exam. Since elem and high school, ang middle name na ginagamit ko eh Catinggan, dahil yun daw ang tama. Ang nasa birth cert ko eh Catingan, single G lang. And since na wala namang dispute since elementary, nadala ko hanggang high school. Pero before ako mag-college, sinabi ng Mama ko na dapat daw eh Catingan na enye yung gitna (ayaw kasi ng pc ko ng enye).Dahil all caps yung name ko sa birth cert, baka daw di nagawan ng paraan ang enye. So yun ang ginagamit ko nung college. Pero nung graduation na, ayaw i-release ang TOR ko dahil nga sa mga discrepancy na yun. Noon ko lang din nalaman na big deal pala yung ilang letra lang. Ano pong dapat kong gawin?
Birth cert: Catingan
Elem and HS: Catinggan
College: Catingan ( na enye ang gitnang N)
Please help dahil gusto ko na pong mag-board exam.