Nakalagay po sa Birth Certificate ko is "DE LA CRUZ" pero in the same birth certificate sa ibang field na need ng name ko nakalagay po is "DELA CRUZ" naguluhan po kasi ako kasi bakit po ganun.
so yun na nga po. mula elementary hanggang college po ang ginamit ko pong last name is yung walang spacing which is "DELA CRUZ" dahil na rin po sa wala pa po akong alam sa magiging problems ko in the future nung bata pa ako at kakulangan ng info sa sarili kong last name that time ang nagamit ko po yung walang space kasi yun po yung common, so sa lahat po ng documents na finifill-upan ko yun po ang sinunod ko. hanggang sa dumating yung time na need ko po mag aapply ng passport at visa nun ko lang po napag tanto na mali.
ang tanong ko po magiging malaking isyu po ba yung last name ko sa pag kuha ng passport and visa kahit spacing lang po ang mali? magiging ok po kaya kung ipabago ko nalang po yung documents ko sa school kesa po mag file ng affidavit for my last name? any advice po?
maraming salamat po sa sasagot sa aking katanungan.