Good evening!
Thank you po sa reply Sir.
Hindi ko narin po tinuloy 'yung application ko. As per DFA ay hanap nalang daw po ako ng work sa mga countries na hndi nagre-require na may middle name 'yung applicant.
'Yung nga po 'yung nararamdaman ko na pati sa pangalan ay makikita pa yung discrimination. Lalo na po ng nalaman ko na most middle east countries ay ganito ang procedure. Eh dun lang naman po medyo maraming work na offer at madali mag-apply.
Pagkakataon na po sanang kumita ng medyo malaki para gumaan naman ng kaunti ang buhay eh nahahadlangan pa dahil lamang sa problema sa pangalan na hindi ko naman ginusto na magkaganito. Sinubukan kong ayusin eto sa local civil registrar pero sabi nila yun daw yung nasa batas. Sana naging sensitibo sa ganitong sitwasyon 'yung mga gumawa ng batas at naramdaman 'yung pakiramdam ng mga illegimate children dahil ngayon, pakiramdam ko, 'yung batas at mga procedures na ginawa sana para mapahalagahan at maproteksyonan ang pagkapantay-pantay ng lahat ay sya ngayong hadlang para maranasan ko eto.
Sana may batas na magawa para maayos eto. San ba pwedeng mag-suggest? Sana may mga Mambabatas natin na nagbabasa din dito. Sabi nila di daw pwedeng gamitin 'yung middle name ng mother kasi lalabas daw na mgkapatid kami kaya blank nalang daw 'yung middle name. Eh sana instead na blank eh nag-assigned nalang sila ng pwedeng ilagay para meron nman middle name or sana parehas nalang yung Surname at Middle Name. May kakilala akong parehas ang middle name at surname (J----- Garcia Garcia ung pangalan). Db, pwede naman? Tutal yung mother ko na ang tumanggap sa akin na maging AMA at INA ko.
Anyway, Salamat po ulit sa reply and hoping po na sana someday ay magkaroon ng kalutasan 'yung mga ganitong problema.
More power po and God bless!