Under po ako ng agency, 8 years na ko nagwowork dun sa pinagdeploy-an sakin. Ngayon po, magreresign na ko sa agency, kasi lilipat sana ako sa ibang department nung company na may offer na regularization. Sinasabi po ngayon nung department na ihohold ako sa HR, para hindi ako makalipat sa ibang department pero same company. May 1 month notice naman po ako. May karapatan po ba silang i-hold ako? para hindi makalipat sa ibang department? Nag-woworry po ako, baka masayang pa yung oportunidad.
Thanks po,
nsantos