Ako po ay nabiktima ng estafa and illegal recruitment ng isang institute na nag ooffer ng work + study program sa japan.
Nakapag file napo kami ng complain at affidavit and then last week nag submit na din ng counter affidavit yung mga respondents. Gusto lang naman namin ay mabalik ang pera namin binayad sa kanila dahil wala naman napuntahan at walang nangyari sa application namin sakanila.
They were asking to give them until second quarter of next year (2014) to settle the refunds. Pero lahat kami nagkasundo na huwag pumayag na umabot pa next year ang refund namin kasi this is their 4th time na nag promise sila to pay us pinaasa nila kami sa mga date na binigay nila to refund pero walang nangyari at hindi sila lagi macontact kapag dumadating ang araw na promise nila to pay.
Gusto ko po sana malaman kung mababawi ba talaga namin yung mga pera namin binayad sa kanila plus pwede po ba ako mag demand ng additional payment sakanila for damages?
Kasi the money that I gave to them is My Grandma's last money on her bank account.
Sobrang nagagalit po ako kasi ng nalaman ng Lola ko ang nangyari sa akin nakadagdag sa stress nya. NaStroke po ang lola ko tumaas ang dugo, nagka blood clot sa utak then na coma but she did'nt make it kaya nawala na sya this August lang.
I still can't move on. I can still feel the guilt.
Galit na galit ako sa kanila. Gusto ko sana idemand pati ung nagastos namin sa hospital ng grandma ko pati yung sa burial and funeral nya. Now, can I demand for that? Sa October 22 na po ulit ang hearing sa fiscal. pwede ko po ba isama sa affidavit ko yung demand ko?
Last edited by victimofscam on Sat Oct 12, 2013 5:40 pm; edited 12 times in total (Reason for editing : resize of font)