Pero itong 2 supervisor ay may idinidiin at pinag iinitan. Ang sa amin lang po sana ay mali naman po na pagbintangan sila bilang suspek agad kahit wala po silang ibedensya. Ang sinasabi lang nila ay meron na daw kumakanta at nakita daw sa CCTV pero wala po silang mailabas at ayaw po iharap sa kanila. Tatanggapin sana nila kung meron eh.
Sa totoo lamang po, inosente po yung kanilang pinagbibintangan. Sinabi pa ng isang supervisor na kapag umamin siya, mapapagaan daw ang kaso niya ngunit ano po ang aaminin kung wala namn talagang ginawang mali.
Ang kanilang mga pinagbibintangan ay wala naman pong problema sa pera at mga taong marunong manindigan.
Ano po ba ang dapat nilang gawin sa dalawang supervisor na ito para matigil na ang kanilang pamimintang, Ginagamit na kasi nila yung katungkulan nila. Ang gusto lang naman nila ay maging pantay pantay ang pagtrato sa kanila.