nakabangga po ako ng matanda (66yrs). nasa fast lane ako then nasa slow lane naman yung tricyle, yung matanda galing sa rightside nung tumawid papunta sa solid island, dahil nasa fast lane ako halos 40-60 kph yung takbo ng motor ko. ang nangyare is hindi na ako naka full stop nung biglang tumakbo patawid yung mama na gusto nyang unahan yung tricycle sa pagtawid dahil nga sa bagal ng takbo nung tricyle, ang hindi nya lang cguro nakita na merong motor sa fast lane, kaya nabangga ko sya. dinala ko sa City hospital at sinamahang mag pa X-ray sa pelvis, pagatapos ng Xray ang advice ng doctor is pauwiin dahil hindi naman grabe (mga gasgas lang) at pabalikin na lang yung result ng X-ray, pero nag pursige ang asawa't anak na dalhin sa isang private hospital dahil reklamo nung nabangga ko is masakit daw talaga ang baywang, nag pa Xray ulit sila on the same day. after 2 days lumabas ang 2 result ng Xray..
Dun sa Unang Xray (City Hospital) is Negative Result sa Pelvis
tapos sa 2nd Result (private Hospital) is meron daw broken sa bone nya..
and need ipa bone brace worth 8thousand dahil mahal daw kung ipapaopera, dahil sa concern ako sa matanda, naghanap ako ng paraan para makautang ng ipangbabayad sa bone brace, kaya granted yung request nila, sa hindi pa sila naka labas sa hospital, nagusap kame kung anong gagawin, nagkasundo na paghahatian na lang yung babayaran sa opital ang pumayag na din sila na doctor's fee lang babayaran ko worth 6,500.. dumating ang linggo wala pa din akong pera na mauutangan pero nagusap na sila ng mother in law ko na sa monday is kame ang magbayad nung sa doctor's fee..
hindi sila nakahintay at tumawag pa yung tito nila sa cellphone ko at galit na galit, sinabihan pa kaming umabsent daw muna kame sa trabaho dahil lalabas na yung pasyente ang kelangan ng pera pambayad, sinagot ng asawa ko na hindi kami makaka punta sa ospital dahil ano naman gagawin namin eh wala ngang pera ang besides napagkasunduan na sa lunes na lang lalabas... dahil nga sa hindi nakapag antay, nakalabas sila nung araw na yung (linggo) ang dahilan ay ayaw daw nilang magbayad ng extra day wroth 600php.
kinagabihan nag text sila na sa pulis nalang daw kami magkikita dahil binayaran na daw nila. pero hindi nila sinabi sakin na PROMISORY yung ginawa nila sa hospital.
Nung nasa police station na, nitotal namin lahat ng nabayaran nila almost worth 19thousand lahat lahat na. on my end, willing akong mag bayad pero bigyan lang nila ako ng 1 week na palugit para makapag ipon ng pambayad, ayaw nung daughther and wife and gusto nila on the spot mismo, nakiusap nako sa kanila na kahit 1 week lang pero ayaw talaga pumayag, nag decide sila maghain ng kaso laban sa akin.
ano po bang sitwasyon ko. posible po ba akong matalo sa kaso? hindi na po ako makakatulog ng maayos. salamat po more power sayo.
Last edited by eason0329 on Sat Jun 04, 2011 10:04 am; edited 1 time in total (Reason for editing : typo error)