D KO ALAM SAN I-POST ITO.
We need your advise. Nag file kami ng kaso, reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property. Ako at asawa ko papasok sa trabho sakay ng aming tricycle, papaliko na pakaliwa biglang may bumangga na kotse. Tumilapon ang asawa ko at ako sakay sa side car ng tricycle ay kasamang gumulong at 2 bses na umikot kasama ng tricycle. Bumababa ako sa tricycle para tulungan ang asawa ko. Nakahiga sya sa daan, nakita ko ung kotse medyo malayo na tumigil bumaba ang driver lumapit sa amin isinasama nya ang asawa ko sa kotse nya, d sana ako sasama kasi worried ako sa tricycle namin baka mawala kaso sabi nung matandang lalaki na lumapit sa amin, may gasgas daw ako sa noo, siguro due to adrenalin wala akong nararamdamang sakit kasi worry ko ung husband ko sumisigaw sya sa sakit. Biglang may dumating na mobile police kaya sumama na ako sa kotse I was thinking ung police will make an investigation. Dinala kami sa hospital ng asawa ko sabi nya pasensya na sumabit. Ilang beses na paulit-ulit ang sorry nya admitting his nistake. May kakilala kami sa hospital, para i-assist kami baka tumakas ung nakabangga sa amin habang busy kami na ginagamot. Sabi nung nakabangga wala lang syang dalang pera pero sasagutin nya lahat kaya sabi nung kakilala namin sya muna magbabayad para magawa na lahat ng laboratories (X-Ray’s & CT Scan). Babayaran na lang daw nung nakabangga pagdating ng parents nya. Dumating ung parents ung mother pinapa cancel ung CT Scan, nakipag argue ako kasi my husband telling me na his right head was aching. So the mother said, unghusband ko lang ang CT Scan kasi ako naman was walking and mukhang okey kahit na may bruises ako sa noo. My husband suffered a fractured clavicle left shoulder bone. Cleared naman CT Scan nya. Sabi ng doctor d na daw kailangang i-confine ang husband ko kasi i-rest lang ang shoulder kusa na daw magdidikit ang baling buto. Tinawagan ko ung kapatid ko para i-check ung tricycle namin, sabi nya d daw i-release kasi may pending pa. Nagpadala ng pulis sa hospital hindi naman nag imbestiga kinuha lang ung license at OR CR ng both driver. Hindi daw sya ang imbestigador. Sinabihan lang kami na pumunta sa Police Station kung saan cover ung lugar ng pinangyarihan. Pumunta kami don. Bumaligtad ang statement ng nakabangga kami daw ang bumangga. Siguro by lawyer’s advise or his mother’s advise. Due to pain & trauma gusto namin makauwi na at maayos na. Sabi nila sagot nila ang hospitalization, medicines & repair ng tricycle.Upon follow-up check up nalaman ng ortho na nakalimutan sa ER na turukan ng anti-tetano ang asawa ko. So nung nagkita sila ng nakabangga, kasi kinukuha ung Certificate of No Claim namin as requirements for their insurance, humingi ng pang anti-tetano ang asawa ko at ung additional medicines na nireseta. 1,500 lang binigay nya. Pinapirma pa ang asawa ko. Nagte-text sa asawa ko na EXTENDED HELP na daw un. Nagalit ako sabi ko hindi HELP un obligation nya un kasi pinerwisyo nya kami. After a mont, nagpa X-ray ang asawa ko, ang the ortho said na hindi nakikitaan ng sign ng improvement ang bones so kailangang operahan. Kami magiging frozen shoulder na ung left. Ang sagot ng nakabangga hindi na daw nila sagot un dahil naipagamot na daw kami.
Ang tanong kopo anong chances ng kaso, kasi sa Police report, nakalagay, V1 (tricycle) in front of V2 (car), V2 overtaking and accidentally COLLIDED to each other? Nalaman din po naming ung nag impound nung tricycle naming walang blotter, walang sketches or pictures man lang. Tama ba ang report ng Police? May mga witness sa site kaso ayaw nila tumestigo baka mapahamak daw sila.
2nd Question, in case they want settlement, paano naming i-compute un. Kasi kailangan ng operation, after operation PT syempre matagal ng hindi nakakapasok ang asawa ko. Tapos wala kaming service mahal ang pamasahe at ang daming perwisyo kasi text pa ng text may pinapirmahan na Affidavit of Desistance hindi naming pinirmahan galit pa. Ung sa repair ng vehicle d naming kinuha ung check sa insurance because ayaw naming pirmahan ung Affidavit of Desistance. Pwede po bang moral damages ung sleepness nights due to trauma and pain? As much as how much ang i-demand naming sa kanila.
Matatawag po bang settlement ung arrangement namin sa Police Station? Kasi sinasabi nila na un lang daw ung napag-usapan sa Police Station pero ung investigador mismo ang nagbigay ng statement sa asawa ko para sa kaso na file namin.
Kung hindi kami pumayag sa settlement anong mangyayari next?
Thank you very much. Sana matulungan nyo kami.