he's driving po our motorcycle nang may nagover take na jeep na sobrang bilis at na-hit nya ang isang babae na patawid, then dumiretso po sa harap ng motor pero medyo malayo po,in order po na hindi nya masagasaan yung babae iniliko nya sa may canal at naging dahilan ng pagkasira din ng headlight at ilang damages sa motor.
tapos kinuhanan sya ng statement sa blotter. worried din sya dun sa babae kasi nga po may edad na rin.
after a week may dumating na invitation po regarding sa invistigation ng mga pulis. Bothered din kami that time kasi unusual na 10:00 pm sila pumunta sa bahay at sakay ng L300 at ang dami nila para lang sa isang letter of invitation. Nagkataon po na wala kami that night at ang kapitbahay lang namin ang naabutan nila. then ng 6:00 am kinabukasan may kumatok na from baranggay daw para iabot ang letter. May mali pa nga sa date kaya ng mga 10 am ung mismong iinvestigating officer na ang nagpunta complete with helmet pa para lang iabot ang letter. at di namin alam na nakuhanan na rin nya ng picture ang motor sa ibaba ng garage.
we're doubtful din kasi..so we ask for an advise if ok na hindi pumunta o hindi.though ready naman na kami pumunta but the problem is natarangkaso ang bf ko that time. hindi na rin sya nakatawag for re-sched.
then after almost a month may dumating na subpoena at may kaso na sya.
may evidence pa na nakuha ang mga pulis na may cctv daw. though hindi naman talaga sya ang nakabangga kundi yung jeep na hindi na nagawang plakahan. nakita ko ang location ng cctv at medyo malayo.they are insisting na white ang helmet pero wala kaming white helmet..all black.
and we have researched din na ang pamilya na naaksidente ay higit pa na may kaya kaysa sa min.if ever na magkaron man ng areglo...sana magawan namin ng way na hindi na masyadong mataas.
isa pa..sa unang hearing wla rin ang complainant..if sa pangalawa wala pa sila may tendency po ba na hindi maipush ang kaso? we're not claiming na guilty ang side namin but worried kami sa mga risks and cost under nito.
sana po matulungan nyo po kmi regarding s mga advice nyo.. salamat po.