Nagpaalam kami sa manager namin na mag absent kinabukasan para mag aply sa isang agency for abroad, para nadin makagprepare xa ng ipapalit sa amin kung mag reresign na kami. Di sya pumayag dahil late na daw kami nag inform mag-aabsent nadaw kami kinabukasan, dapat daw nung nagpaplano palang kaming mag-aply nag inform na kami sa kanya. Kapag daw nag-aply na kami palagi nadaw kaming mag absent maapektuhan daw ang aming attendance monitoring. Sinabi pa nya na possible daw ipa block kami sa ina aplayan namin kasi parehu daw na japanese company, ang mga japanese company daw ay may mga kasunduan na bawal magkuhaan ng empleyado. Tinuloy parin namin ang pag absent kinabukasan, bandang hapon tinawagan kami ng agency may tumawag daw sa kanila tinanung kung nag apply ba daw kami sa agency nila tapos kinuestion kung bakit daw kami naka apply doon. Nung pagbalik namin nakipag-usap kami sa manager namin xempre masama loob namin kasi nag report xa kaagad to think na nag-aaply palang kami. Inisip namin na blocklisted na kami dahil doon sa una niyang sinabi. Pero ang nangyari, sinabi nya NOON lang daw yung pwedeng ipablock ng company ang mga nag-apply doon. Ang hr manager daw ngaun ay pinoy na, wala nadaw itong connection sa agency. So nadismaya kami. Ngaun sinabi namin na mag reresign na kami as soon as possibe. pinigilan nya kami, sabi nya bibigyan nya kami ng assurance na di kami ma blocklist sa agency, tatawagan daw ulit ng hr ang agency at babawiin ang sinabi nila. Pero damage na ang pangalan namin sa agency maski na tawagan at bawiin pa nila ang sinabi dito. Anu ba pwede naming magawa dito? ayoko na sanang mag trabahu pa sa companyang yun. Note: magkaibigan ang hr manager at dept manager namin, as in close.