Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Jaylord Baracao, 28 taong gulang, nakatira sa P6, Malibago, Echague, Isabela. Isa po akong OFW ng mahigit na dalawang taon dito sa United Arab Emirates. Sa awa ng diyos ay nakapaglabas po kami ng aking mga magulang ng isang sasakyan. ito ay isang Mitsubishi Montero Sports na nakamortgage sa RCBC bank. yung sasakyan ay mahigit dalawang taon na din samin mula nung nangibang bansa ako na nakapangalan sa aking mga magulang na si Aureliano P. Baracao at Violeta S. Baracao. Sa kabila ng aking paghihirap para mabigyan at masuklian ko po ang kanilang paghihirap at sakripisyo ay may nangyaring masama sa kanila. naaksidente po sila sa Urdaneta Pangasinan nung last June 14, 2016. namatay silang dalawa kasama ng aming driver. bumangga po sila sa isang malaking puno ng mangga. dead on the spot po ang papa ko at driver, samantalang si mama ko ay umabot pa sa hospital at na ICU pero kalaunan ay namatay din. mahirap po mawalan ng mga magulang Lalo na at hindi ko sila nakasama dahil nga nasa malayo ako. pagkatapos naming magluksa prinocess naming ang insurance claim sa FORTUNE GENERAL INSURANCE CORPORATION. Kumpleto po kaming papers, insurance policy, police report, death certificate, drivers license, valid o.r and c.r ng sasakyan. may hawak kaming insurance policy at alam ko na nakainsured ang saksayan dahil ako po ang ngbabayad mula monthly installment at bayad ng insurance. ngfollow na din po ako sa banko pero sabi nila wala nakaregister na insurance ng sasakyan namin sa kanila. nakakapagtaka lang po dahil nakamortgage ang sasakyan pero pumayag sila na wala silang kopya ng insurance. Last na update ng insurance company sa akin may problema daw sa premium ngunit alam ko po na nakabayad kami dahil sakin nanggaling ang bayad na binayad ng papa ko at may hawak kami na insurance policy valid up to September 2016. mahirap po mawalan ng mga magulang, pinagnakawan pa sila at the scene nawalan sila ng mga gamit at pera tapos pagdating sa insurance ganito pa. Umaasa po ako na matutulungan nyo ako Sir/Maam. god bless po sa inyo at maraming salamat. Nagfile na po kami ng complain sa Insurance Comission pero denied pa din ang request nmin for reconsideration ang advice sa,im humanap po kami ng atty. does anyone here na may kilalang insurance atty. salamat po