Nagkaroon po ako ng baby sa isang may asawang lalaki, pero wala po kaming relasyon. Nakakahiya man po pero may nangyari sa amin nong minsang nagkayayaan kaming maginuman at nabuntis po ako. At pinagsisihan ko po ang nangyari na yon kasi hindi ko naman po intensyon an manira ng pamilya. Pero hindi naman po tungkol sa akin ang ihihingi ko nang legal na payo/tulong sainyo. Ito po ay para sa baby ko...
Seaman po ama ng baby ko 2/E noong panahon na nabuntis ako at alam nya po na nabuntis nya ako. Nong hindi pa sya nakakasakay pumupunta sya sa inuupahan ko paminsan minsan at inaasikaso ang pagbubuntis ko at ang baby. Napag usapan po namin na susustentohan ang bata. Pero noong nakasakay na sya unti unti, hindi na po sya nagpaparamdam. Hanggang sa nanganak ako hindi po sya tumulong. Kasi natatakot po sya na mahuli sya ng asawa nya na nakabuntis sya. Pero sa kalaunan nong 1 y.o na po baby ko, nalaman din ng asawa niya. Nangako sila na susuportahan ang bata at magbibigay monthly. Naghintay po ako pero wala naman po silang pinadala, sa ngayon 4y.o na po ang baby ko. At lumalaki na expenses nya kaya nahihirapan na din ako kasi mag aaral na po. Gusto ko lang naman po maibigay yong legal na karapatan sa bata para sa suporta na galing sa ama niya. Ano po ba pwede kong gawin?
Sana po matulongan nyo po ako sa legal process.