Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Estafa case

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1case - Estafa case Empty Estafa case Sat Sep 16, 2017 9:55 pm

ChristyCee23


Arresto Menor

Good evening po..
Nag purchase po kami nang 1.3 M na property at nagdown payment po kami nang 300k sa account nang may-ari na biyuda na po kaya binebenta nya property nya sa kadahilanang may utang rin po sya na kailangan bayaran sa ina nang broker po na nagoffer samin nang property nya pumayag naman po sya ibenta yun nang halagang 1.3M at close po kasi yung broker at lawyer na sya po nagsuggest nang property na yun kasi pasok sa budget namin may bungalow apartment na rin po kasi.. Ang kaso po nang maideposit na yung down payment na 300k sa bank account nang may ari po nagbago isip nya nang tawagan na po sya para pumirma nang deed of sale nakalagay po run na kapag ideposit na namin nang buo ang pera pag umalis na po sya sa property na ikinabigla nya po binigyan pa po namin sya nang humigit kumulang 2 buwan para po lumipat ang kaso po walang reply sa panig nya ayaw rin po nya makipagusap kaya pinuntahan po namin yung lawyer nya na nagarrange po nang meeting para makipagkasundo ang kaso di po rin sya sumipot sa meeting na lawyer nya nagsabi na pupunta sya.. kaya wala na kaming nagawa at nagsampa na po kami nang kaso sa munisipyo.. ngbigay na po nang subpoena at dahil umasa po kami na mgbabago pa isip nya hinatid po namin yung sub poena ksama lawyer at tanod kasi po pumunta yung broker sa bahay nila ayaw magpakita sinabihan pa po nya nang trespassing at ipapablatter na nasa labas lang nang gate kaya nanigurado po kmi kaya nagpasama sa brgy ideya rin nang lawyer namin.. ang kaso ang sabi nang tenant nya po run wala raw sya kaya sa kanya na po namin inabot ang letter.. Nang ipatawag na nga po sya sa munisipyo don lang namin sya nakita uli at galit pa samin dahil raw pumunta kami sa bahay nya at napahiya raw sya ron samantalang hindi po sya nakipagkita magmula nang mareceive nya ang pera pangdown.. At ngayon po nirereview pa rin ang kaso sabi nang lawyer namin almost 5 months na po magmula nang maisampa yung kaso..
Tanung ko po kung gano po ba katagal aabutin nang kaso po nato kasi po sobrang aksaya na sa pera at oras po sa part namin at balak sana namin magpakasal after makabili nang bahay at naudlot na nga.. Ganu po ba katagal ang proseso nito?
At may nakukulong po ba talaga sa estafa? May pagasa po ba na makuha po namin ung pera na dinown namin...
Salamat po at Godbless sa mga sasagot..

2case - Estafa case Empty Re: Estafa case Sun Sep 17, 2017 12:45 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

oo may nakukulong naman sa estafa. ang mali lang sa part nyo ay bakit kayo nagrelease ng pera na wala kayong pinanghahawakan. sa ganyan sitwasyon dapat bago nyo dineposit yung pera ay kasama nyo sa bangko yung pipirma para pagkatapos magdeposit ay on the spot sya pipirma.

anyway yung tagal ng mga kaso depende din kasi yan load ng korte kung saan nakasampa ang kaso at Lalo nagtatagal kung di nakikipag coordinate ang nireklamo.

3case - Estafa case Empty Re: Estafa case Sun Sep 17, 2017 6:45 pm

ChristyCee23


Arresto Menor

Ah opo tinanung po namin sa lawyer namin kung okay lang ba yun na magdeposit kami nang pera ang sabi nya ok daw po kasi kakilala naman nya yung owner nakampante din kami.. mali nga po nagawa namin.. pwede po kaya sya magbail if may warrant of arrest na? Salamat po.

4case - Estafa case Empty Re: Estafa case Sun Sep 17, 2017 8:20 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

depende sa korte kung magissue sila ng bail pero usually, yes, bailable ang estafa.

5case - Estafa case Empty Re: Estafa case Sun Sep 17, 2017 8:29 pm

ChristyCee23


Arresto Menor

Panu po kung nakipagusap po samin yung owner gusto po nya taasan ung presyo nang property nya ituloy daw namin transaksyon sa kanya mgdadagdag kami nang 200k na bayad kasi yun po yung utang nya sa broker bali kami pa sasagot sa utang nya..iba sa usapan.. di pa kasama run yung process fee para malipat samin ang titulo nang lupa kasi nakalagay po sa deed of sale kami ang mgshoshoulder lahat non wala sya babayaran.. dating 1.3M ngayon 1.5M na babayaran namin hindi pa kasama process fee..
Anu po bang wise decision na pde naming gawin? Makikipagdeal po ba kami o itutuloy na lang ang kaso? Naguguluhan na rin po kami.. ayaw na namin maloko pa at wala narin po kami tiwala.. pero gusto sana namin kung 1.3M lang at di na tataasan sana.. anu po bang wise decision para sa inyo? Salamat po nang marami.

6case - Estafa case Empty Re: Estafa case Mon Sep 18, 2017 12:46 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

depende na sa inyo yun kung gusto nyo parin ituloy yung pagbili ng lupa. pero kung tutuloy kayo sa deal at papayag sa demands nung nagbebenta, find a lawyer who specializes in property law at magpatulong kayo magpagawa ng contract or pacheck nyo sa kanya yung contract na ibibigay sa inyo.

kung di kayo payag sa demands nung seller at di din naman sya magbubudge eh wala kayo choice kundi ituloy ang kaso nyo.

7case - Estafa case Empty Re: Estafa case Mon Sep 18, 2017 2:42 pm

ChristyCee23


Arresto Menor

Ok po salamat po Atty.. Napagusapan po namin nang partner ko na ituloy nalang po ang kaso pag hindi sya pumayag sa dating usapan po namin na 1.3M minus po daƱos perwisyo nya po samin. Salamat po sa pagsagot.Godbless.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum