Hi po. Ask ko lang po kung tama yung process na ginawa sa aking boyfriend. Nagtatrabaho po sya sa banko. Tinago nya na may nakuha syang pera sa banko na 600k. 2 years ago. Pero nag tatrabaho padin sya sa banko until last saturday, dahil nakita un mga discrepancy ng transactions. Sa takot nya, dahil hinold na sya ng banko at ayaw sya pauwiin ay nag tangka syang mag suicide. Kinasuhan sya last saturday night ng alarming scandal dahil sa nangyare at na detained sya mismo ng gabing yon. Tapos, lunes po ihinabol ng banko na ifile un kasong qualified theft. Agad agad po bang mapa-file yun kahit wala pang attorney un boyfriend ko? Finile agad sa fiscal. At di na pinaasikaso saamin un for bail ng alarming scandal dahil tuloy tuloy na daw. Sabi pa saamin ng imbestigador mahabang proseso daw po ang pag iimbistiga ng ganung kaso. Pero po sila, isang buong araw naifile agad. At deretcho detained na. Ano po ang pwede naming gawin? Salamat po sa pag sagot. Godbless.
Free Legal Advice Philippines