Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Ex live in partner's demands

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Ex live in partner's demands Empty Ex live in partner's demands Mon Jul 20, 2015 12:06 am

woman2016


Arresto Menor

Ito po ay isang problema din ng kumare ko. May bf/live in partner po sya.Ang problema yung dating live-in partner ng lalaking to may anak sila non.At itong kumare ko may anak din po sa dating asawa naman at kasal pa nga.Ngayon itong ex live-in partner ng lalaki laging nagdedemand ng financial support pero hindi sila kasal. Nagbibigay po yung lalaki sa ex live-in actually hindi daw pumapalya sa pagbibigay.yung lalaki hibdi daw malaki ang sweldo,tas nagrerent lang tas bills at pangkain.Pwede daw ba na yung lalaki(live-in partner ng kumare ko) ang magfile ng petition na hindi tama na malaki ang hinihinging financial support ng ex live-in partner.o anu po ba ang pwede daw nila gawin para di ganon kalaki ang dinedemand ng ex

2Ex live in partner's demands Empty Re: Ex live in partner's demands Mon Jul 20, 2015 1:34 am

marlo


Reclusion Perpetua

financial support para sa bata base sa pangangailangan ng illegitimate child at kapasidad ng ama ng bata. walang actual computation, court mag declare.

just ignore her kung ako sa yo.. huwag kalimutang magbigay ng sapat sa pangangailangan at kakayahan.

walang karapatan si kumare sa bata at sustentong pambata. itago ang evidence ng financial support at makakatulong pagdating ng araw ng reklamo ng ex-live in

3Ex live in partner's demands Empty Re: Ex live in partner's demands Mon Jul 20, 2015 7:46 am

woman2016


Arresto Menor

Ang ex live-in partner daw po ng lalaki nagdidikta ng amount.at gusto na nila ireklamo dahil daw mas malaki pa nga daw sahod nung ex live-in kesa sa lalaki

4Ex live in partner's demands Empty Re: Ex live in partner's demands Mon Jul 20, 2015 7:49 am

woman2016


Arresto Menor

May katuturan daw po ba na babaan ng lalaki ang sustento nya?pero para maging sigurado daw na yun na ang amount na isusustento gusto daw nila(kumare at live-in partner)may matibay silang kasulatan na yung amount na yun lang ang kakayanan ng lalaki.may ganong agreement daw po ba?

5Ex live in partner's demands Empty Re: Ex live in partner's demands Mon Jul 20, 2015 4:42 pm

marlo


Reclusion Perpetua

hindi ang ina ng bata ang magdidikta nun, ang court ang may final say doon.

may karapatan ang babae na mag file ng RA9262. may karapatan si lalaki na idepensa nya sarili nya sa RA9262 case kung bakit ganung halaga lang ang bigay ng suporta nya para sa bata.

nasa sa inyo yun kung mag out of court agreement sila, iyun ay kung payag si lalaki sa demand ni babaeng financial support.

kung ang pera ay 100 pesos lang na sweldo ni lalaki, hindi naman tama na ibigay nya ang 100 pesos bilang suporta sa bata, paano naman sya kikilos, mabubuhay at kakain? aalamin ng court ang mga detalyeng iyan. may due process po kung sakaling mag RA9262 case si babae.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum