Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password

You are not connected. Please login or register

RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO SLIGHT PHYSICAL INJURY

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

ashliebernardo

Arresto Menor

Magandang Hapon po!

Gusto ko pong humingi ng advice kung ano po ang pwede naming gawin.
Nuong dec 27,2014 alas diyes ng gabi ang live in partner ko po ay nagdrive ng nakainom pauwi sa qc. hindi naman po ganun karami ung nainom nya at ayon sa kanya ay kaya nya pang magmaneho pauwi.
motorsiklo po ang kanyang gamit. sya rin po ay nakahelmet ng panahong iyon.
sa di inaasahang pagkakataon ay mayroon po syang nabanggang tao n nakasakay sa bisekleta. sya po ay 20 y/o. walang suot na protective gear sa katawan at wala ring gamit na reflector.
ang highway po ay one way at ang live in partner ko po ang nasa tamang daan hindi ang nasabing tao n nakasakay sa bisekleta.
nagulat po ang live in partner ko sa biglaang pagsalpok sa kanya ng bike kaya po silang dalwa ay nagpagulong sa kalsada.
ang nakabisekleta po ay nagtamo ng bukol sa noo.
ipina ct scan din po namin sya at ang sabi ng doktor n bumasa ng ct scan, nagkaron sya ng konting bali sa kaliwang pisngi n pwedeng lagyan ng bakal pero pwede rin namang hindi lagyan. mas naniniwala ang doktor na ito n hindi naman n kailangang galawin ang mukha ng nakabisekleta at hindi naman ganun makaksama para sa kanya.
ang partner ko naman po ay nabungi, ang daming galos sa katawan,at putok ang ulo.
kami po ay pinapulis ng asawa ng biktima,
sa kasalukuyan, kami po ay nagkaroon ng kasunduan na kung anong magiging resulta ng follow up check up nito ay aming tutugunan ang pangmedikal nyang pangagailangan.

kung sakali po na iadvise ng doktor n kailangan itong maoperahan,at kung hindi po namin kayanin suportahan ang kanilang pinansyal n pangangailangan ano po ang mangyayari sa partner ko? kung sakali po sila'y magsampa ng kaso pwede rin po b kaming lumaban dahil may mali rin naman po ang nakabisekleta?
sana po mabigyan nyo po kami ng advice sa kung ano ang pwede naming gawin?
salamat po ng marami!

karl rove

karl rove
Reclusion Perpetua

I dont want to disappoint pero base sa iyong salaysay, nakakainom ang nakabangga sa taong naka bisekleta, habang ang nakabangga ay naka sakay sa motor. Meron ka rin sinasabi na one way ang daan at mali ang tinahak na daan ng naka bisekleta na biktima.

Dahil sa pinsala na tinamo ng biktima at hindi pa tapos ang pag gamot sa kanya at maari itong magbunnga ng ibang kapansanan dahil sa pagkabangga ng motor, maaring usugin sa isang kriminal na usapin ang naka bangga base sa pinsala na kanyang natanggap dahil sa bangga.

ngayon, pwede kayong mag sampa rin ng kontra demanda, pero ang pagkaka-iba ay hindi nakakainum ang nabangga. Sana au maayos sa paupo at hindi patayo ang inyong suliranin. Alalahanin mo na may dalawang pananagutan ang nakasanggkutan na pangyayari ang live-in partner mo - isa, isang sibil na pananagutan (dito lalabas lahat ng danyos na pwedeng iharap laban sa inyo ng nabangga, pagpapagamot sa hospital, pag tira sa hospital atbp) at pangalawa, ung pananagutang kriminal.

Ang sibil na pananagutan ay pwedeng madaan sa pagkakasundo, kung hanggang saan at hanggang kailan kayo tatagal nasa inyong poder yan. pero, ang usaping kriminal, hindi basta basta nawawala kung hindi papayag o pumapayag ang biktima.

ashliebernardo

Arresto Menor

maraming salamat po sa advice.
sana nga po ay maging maayos ang suliraning ito.

Sponsored content

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum