Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

HELP! may nagbebenta ng lupa ko, I need your legal advice

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

acinad


Arresto Menor

Hello, good day po, may lote po ako na nabili somewhere in Malolos, Bulacan. Nung binisita ko po yung lot ko kanina sa subdivision may nakapaskil po na LOT FOR SALE with contact numbers po ng sellers.

Nasa akin po ang original title and fully paid po ang lot ko, ang tanong ko lang po ay ang mga sumusunod:

Maibebenta po ba ang lupa ko ng ibang tao kahit nasa akin ang titulo?

Makakakuha po ba yung ibang tao ng titulo ng property ko?

Pwede po ba matransfer sa ibang name yung property ko without my knowledge?

Pwede ko po ba sampahan ng kaso yung mga seller?

Maraming salamat po sa lahat ng sasagot, pagpalain po kayo.

-Danica

AWV

AWV
Reclusion Perpetua

acinad wrote:Hello, good day po, may lote po ako na nabili somewhere in Malolos, Bulacan. Nung binisita ko po yung lot ko kanina sa subdivision may nakapaskil po na LOT FOR SALE with contact numbers po ng sellers.

Nasa akin po ang original title and fully paid po ang lot ko, ang tanong ko lang po ay ang mga sumusunod:

Maibebenta po ba ang lupa ko ng ibang tao kahit nasa akin ang titulo?

Makakakuha po ba yung ibang tao ng titulo ng property ko?

Pwede po ba matransfer sa ibang name yung property ko without my knowledge?

Pwede ko po ba sampahan ng kaso yung mga seller?

Maraming salamat po sa lahat ng sasagot, pagpalain po kayo.

-Danica

Mas maganda nyan kontakin mo kung sino ang nagbebenta at hanapan mo ng titolo or any documents of ownership para malaman mo kung sino ang legal owner sa inyong dalawa! Depende kung papano mo naging property ito! Kung binili mo ba sa dating owner, meaning hindi lang ikaw ang pinagbentahan or kung ito ay inheritance baka relatives mo rin ang nagbebenta.

acinad


Arresto Menor

Sa mismong developer ng subdivision ko po binili yung lot kaya po nagtataka ako kung bakit may naglagay ng for sale, sabi naman ng mga real estate agents sa subd baka daw nagkamali lang ng lagay yung mga nagpaskil pero I find it hard to believe.

Ladie


Prision Mayor

Mas mainam, may contact number naman iyong naglagay ng FOR SALE, siguro tawagin mo baka tama iyong subdiv. agent na nagkamali lang ng paglalagay ng FOR SALE. O kaya, tawagin mo at magpanggap ka na gusto mong bilhin at makita iyong mga dokumento tulad ng titulo, tax declarations at duon makikita mo na kung iyon nga ang lote mo. By the way, nacheck mo na ba sa Register of Deeds ang validity ng titulong hawak mo? Sigurado ka rin ba na ang may nakapastil na FOR SALE ay ang lote mo? Baka naman ikaw ang nagkamali? Opinion ko lang ito at hindi ako abogado pangkaraniwang tao lang ako.

acinad


Arresto Menor

hi kinontact ko naman yung seller nagpanggap ako na interesado ako sa lote kaso ayaw ibigay via sms yung lot and block number halatang nagpeplaying safe, 100% legit po yung hawak kong title and sa akin nakapangalan.

attyLLL


moderator

inquire with the developer or association. consider the possibility that they or you mistakenly identified the location of the property.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum