hi, last dec 21 po binangga po ako ng pick up habang nagdridrive sa national highway, nag papolice report po kame at isinulat po sa police report na ang may kasalanan po ay yung pick up. nakapagkasunduan din po na babayaran ng pick yung gastos sa pagpapagawa ng kotse ko. yung police blotter po ay protektion ko po kung sakaling hindi tumupad sa usapan yugn maay ari ng pick up. pag katapos po ng ilang araw at nagupdate na kme sa may ari ng pick up hindi na po sya sumasagot sa tawag namin at may pinatawag po sya sa akin, hepe daw po ng police station, sinasabi ng police na i-claim na lang sa insurance ang bangga at palabasing ako ang may kasalanan. pero hindi po ako pumayag. napag alaman ko din po s lto na sa ibang sasakyan nakarehistro ang plaka ng pick up. ipinasok ko na po sa insurance yung bangga at bahala na daw po ang insurance na maghabol sa may ari ng pick up. tama po ba ang ginawa ko? kung sakali po ba yung may ari ng pick up ay pwede din po ba akong ireklamo? on what grounds po kaya? salamat po.