Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Reckless imprudence resulting in damage to property

+2
tsi ming choi
KAJBondad
6 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

KAJBondad


Arresto Menor

Good evening. Naaksidente po ako, pinababayaran sakin nung mayari yung damage sa sasakyan nya pero may comprehensive insurance naman sya sa federal phoenix kasi 6 months old pa lang yung sasakyan nya. Pinababayaran nya sakin kasi hindi daw sya makakaclaim sa insurance pero di pa naman nya nakakausap ang federal phoenix. Ano po ba ang dapat kong gawin?

tsi ming choi


Reclusion Perpetua

Yung insurance company mo ang magbabayad sa damage incurred doon sa federal phoenix. Bale liable ka lang kung yung amount ng damage exceed sa insurance mo.

KAJBondad


Arresto Menor

Wala po kasi akong insurance. Bale binayaran na po ng insurance nya yung sasakyan nya. Pero humihingi pa po sya ng pera sakin kasi ginagamit nya sa business yung sasakyan nya. Willing naman ako bayaran para matapos na ang kaso kaya lang nagaalalala lang po ako ng baka habulin pa ko ulit ng insurance. Baka 2 beses pa ko magbayad. Posible po ba yun?

dbuser


Arresto Menor

Good Day Sir/Maam, sa akin po parang kasin tulad lng ng pr0blema ni KAJBondad kaso sa akin inaantay ko pa ang Reklamo maybe this Sunday na Siguro... Kasi sa akin ako ung naka motor nakabangga ko ang Sasakyan (Private Car) tapos d man lang sila nag bigay sa akin kahit man nga lang pang ospital... Tapos ang gusto nila pababayaran daw sa akin yung DECPRECIATION worth 25K at ang Participation Fee na 2,930.00. Dahil kung hindi daw mag fifile sila ng Case againts me... Need ko lng po ung mga advice nyo mga Sir/Maam ano po ba ang kailangan ko gawin?Gusto ko sana makipag alegr0 kaso sobrang mahal ang hinihingi 28K daw lahat sa totoo lng hindi ko naman talaga kaya bayaran un Sad. Wala naman ako magandang trabaho...

HrDude


Reclusion Perpetua

KAJBondad wrote:Wala po kasi akong insurance. Bale binayaran na po ng insurance nya yung sasakyan nya. Pero humihingi pa po sya ng pera sakin kasi ginagamit nya sa business yung sasakyan nya. Willing naman ako bayaran para matapos na ang kaso kaya lang nagaalalala lang po ako ng baka habulin pa ko ulit ng insurance. Baka 2 beses pa ko magbayad. Posible po ba yun?

May kaso na ba laban sayo? Kasi wala kang karapatang bayaran yung hinihingi nung may-ari ng sasakyan. Korte lang ang powedeng magsabi sayo kung dapat mong bayaran yung tao, pero dapat my nai-file sya na kaso laban sayo.

Ang babayaran mo lang jan ay yung insurance mismo, kasi nailipat na ang obligasyon mo sa insurance noong binayaran nila yung may-ari ng sasakyan.

Tuanne27


Arresto Menor

Good morning po ask ko lng po kung ano pwede namin gawin kc po my bumangga po kasi sa sasakyan namin na motor nag counter flow po sya ngayon po nabalian po sya ng binti. Ang gusto po nla mangyari sustentuhan namin yung family nila for 6 months ng 9k a month! Nagka aregluhan po sa traffic police station pumirma po asawa ko para matapos na at marealse na sya and yung sasakyan pero wala po kaming balak magbigay ng pera sa kanila sobra sobra po yung hinihingi nila to think po na hindi nmn talaga kasalanan na asawa ko nasa tamang lane kme at sya ang nag counter flow. Ano po pwede nmin gawin? Thank you po

HrDude


Reclusion Perpetua

Tuanne27 wrote:Good morning po ask ko lng po kung ano pwede namin gawin kc po my bumangga po kasi sa sasakyan namin na motor nag counter flow po sya ngayon po nabalian po sya ng binti. Ang gusto po nla mangyari sustentuhan namin yung family nila for 6 months ng 9k a month! Nagka aregluhan po sa traffic police station pumirma po asawa ko para matapos na at marealse na sya and yung sasakyan pero wala po kaming balak magbigay ng pera sa kanila sobra sobra po yung hinihingi nila to think po na hindi nmn talaga kasalanan na asawa ko nasa tamang lane kme at sya ang nag counter flow. Ano po pwede nmin gawin? Thank you po

Kumuha kayo ng POlice Report. Ipalagay nyo dun yung mga incidente na nagyari at kung sino may kasalanan. kapag my hawak na kayo ay hintayin nyo na lang yung demanda laban senyo. kung totoo yang kwento mo e malulusutan nyo ang kasong criminal. Pero for sure di kyo makakalusot sa Civil case at magbabayad pa din kayo. Pero ang babayaran nyo lang ay gastusin sa ospital nung tao at konting tulong at hindi sustento sa pamilya.

Tuanne27


Arresto Menor

My police report na po pero nagtataka lng kme bkt hnd naka state don sa report na counter flow ang motor. Sabe po ng investigator wala or hindi dw po umamin na my counter flow na nangyare. Hnd nga po nag punta ng hospital yung police na nag iimbestiga pra kunan ng statement yung nla motor. My witnesses nmn my traffic enforcer that time nad cctv pra patunayan na nag counter flow yng nka motor.

rg144m


Arresto Menor

Good day po.
june 14,nakaladkad po ng truck ung sasakyan namin..nakafull stop kami kasi red na yung stop light ng binangga kami ng truck.. nawalan daw ng preno.. 4cars 1jeep at 1pang truck ang nabangga nya.
ung saskyan po namin ang may pinakamalaking damage.. bago pa po at may comprehensive insurance namin kami pati yung truck.. gang ngaun estimate pa lang ung nailalabas sa casa.. wala naman po problema dahil insurance naman pero pede po ba kami mghabol ng danyos kasi po magisang buwan n wala kming sasakyan at baka matgalan p bago makuha.. hinuhulugan namin yung sasakyan at gingamit sa mga sidelne namin magasawa.. ngayon, tigil po lahat.. sobrang trauma pa samin yung nangyari.
pano po ba magfile ng kaso? kailangan po ba agad ng lawyer?
nakipagusap ung representative ng trucking company once pero wala naman ngyari.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum