Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO DAMAGE TO PROPERTY

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

divine_swinestar


Arresto Menor

Hello po to everyone.. ihingi ko po sana ng advise ang problema po namin.

This Monday, Sept 24, 2012 at 5am, nakabangga po ang brother ko ng school van dito sa Cainta. Gamit po niya ang motor ng kaibigan niya na half filipino, half japanese. Ang charges po sa kapatid ko ay driving without license & under the influence of alcohol resulting to damage to property. Charged naman po sa kaibigan niya ay pagpapagamit ng sasakyan sa iba na walang license.

Ang problem po namin ngayon ay ang amount na hinihingi sa amin ng driver. According to him, P35k-40,000 po ang kailangan para sa pagpapagawa ng sasakyan niya plus the rent for another vehicle in case umpisahan na ang pagpapagawa sa sasakyan. What we did po ay nagpaestimate kami sa ibang talyer using photo shots ng sasakyan niya and we come up sa halagang P11,000. Ang advise po sa amin ng pulis ay magpa-estimate kami ng magkasama para magkasundo sa presyo. Kaya lang ayaw pumayag ng driver dahil mas tiwala siya sa talyer na gusto niya. Kung ayaw daw po namin sa gusto niya ay iaasunto na lamang niya kami para makulong ang kapatid ko at kaibigan niya.

It's been 5 days na po pero until now wala pa kaming napapagkasunduan. Ang kapatid ko po ay walang trabaho bago ang aksidente. Ang kaibigan niya na may lahing hapon ay nowhere to be found sa ngayon pero nakakausap namin ang mga relatives niya ngunit di naman sasapat ang pera naming lahat para sa demand ng driver.

Nais ko pong malaman ang mga sumusnod:
1. Ano po ang maari naming gawin?
2. Tama po ba ang dinedemand sa amin na amount?
3. Nasira din po ang motor ng kaibigan ng kapatid ko - kami din po kaya ang sasagot duon?
4. Kulong po ba talaga ang kapatid ko kapag dinemanda kami?
5. Ano po ang pwede nila ikaso sa kaibigan ng kapatid ko at kulong din po ba sya?

Pakiramdam ko po ay sobra naman ang hinihinging amount ng driver. Nagkamali po ang brother ko subalit pakiramdam ko di makatarungan ang mga demands nya. Di po kaya dahil sa ang kaibigan ng kapatid ko ay Hapon na siyang may-ari ng motor kaya hangad ng driver na mabayaran ng malaki?

Naguguluhan at bothered po kami ngayon. Sana ay matulungan po ninyo kami. Maraming salamat in advance at natagpuan ko po ang forum na ito.

attyLLL


moderator

play for time. keep offering the lower amount. hopefully the will give in.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

divine_swinestar


Arresto Menor

Thanks po attyLLL pero paano po kung ayaw po talaga pumayag sa pakiusap namin? hayaan na lang ba namin sya na iasunto kami? mas malaki po ba ang gastos at ganun din po ba ang pababayaran sa amin ng korte?

wala pong kakayahan ang kapatid ko magbayad, kami lang po magkakapatid ang tulong tulong sa paghagilap ng pera. i keep on praying maawa sa amin ang driver.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum