Anu po ba ang ibig sabihin nitong report na ito? sino po ang may kasalanan sa report na ito? Kasi po pinadalhan nya kami ng demand letter na bayaran daw po namin yung damage nya na 24,000. Inilapit ko po ito sa insurance namin, ang sabi po ng adjuster ng insurance na lumalabas po sa pulis report namin na wala po kaming kasalanan kaya hindi po namin dapat sagutin yun. Comprehensive insurance po ang insurance namin. Tama po ba sila? hindi po ba nila dapat sagutin yung nakabangga sa amin? Tinawagan ko po yung abogado nya at sinabi ko yung sinabi ng insurance. Pero pilit pa din po kaming pinagbabayad..Pinadalhan po kami ng Subpoena. umateend po ako (in behalf of my husband) sa first hearing kasama ko yung abugado ko, ang sabi sa akin ng abugado ko isettle na lang daw namin para wala po maging problema, kahit na alam po namin na wala kaming kasalanan..Ngayon po hinihingian na kami ng 50000 para lang sa maliit na scratch at sa mga nagastos nya sa abugado nya. Medyo may kayabangan po yung lalaki dahil ang sabi nya, makita lang nya lumuhod ang asawa ko sa kanya, i-uurong na nya ang kaso...
ang problema pa po wala po ang asawa ko dito to defend himself. Pwede po ba yun na kasuhan ang asawa ko kahit nasa ibang bansa siya? anu po ang magandang gawin dito? wala po kaming ganun kalaking pera. At para sabihin nya l=na lumuhod ang asawa ko sa kanya, wala siya karapatan na sabihin yun dahil hindi siya DIYOS.