Meron ako airport taxi, may nakabanggaan ang driver ko sa may intersection sa manila na isang metered taxi.. left side ng bumper ng unit q ang may tama tapos sa metered taxi naman e right side bumper and right fender nya..
Nasa bahay lang ako nung time na yun and tumawag sa akin ung driver ko and he told me qng ano nangyari,. sabi ko sa driver ko e pa estimate na lang nila kung magkano mapagawa ung tama sa metered taxi para matapos na. Pumayag naman un operator-driver ng m.taxi.
The next day habang pinapagawa q ung airport taxi ko e 2mawag sa akin ung may ari/driver ng m.taxi, pina estimate nya daw sa toyota otis ung taxi nya na 1 year and 3 months na. Then the following day nagkita kami ng personal malapit sa hauz namin sa paranaque, 21,300 pesos daw magastos (sa bumper and fender lang, gusto paltan ng buo). and 3 weeks daw gagawin (he will charged us 1,000 per day for 3 weeks-21,000). Kung ipapagawa ang mga tama sa auto paintshop e magagastos lang siguro ay 3thou-4thou and matatapos sa isang araw lamang.
Sinabi q sa kanya na willing naman aq ipagawa ung taxi nya, pero sa auto paint shop lang malapit d2 sa amin, ayaw nya kasi gusto nya e papaltan ng buo ung bumper at fender ng taxi nya kasi daw e brandnew pa daw (15 months brandnew pa ba?). Sinabi nya sa akin na qng d q daw babayaran ung 21,300 na hinihingi nya pampagawa and ung 21,000 na danyos e magdedemanda na lng daw xa, sabay sakay sa taxi nya at umalis na.
After 3 weeks e may dumating na subpoena sa opisina ng kumpanya. Nakademanda ako at ang driver ko ng reckless imprudence resulting to damage to property... kasama sa subpoena ang mga kopya ng police report at estimate ng pagapapagawa ng taxi nya na d naman galing sa toyota otis, kundi sa isang car parts and accesories shop na may estimate na 16000.
Ang tanong ko po e:
1. Pwede nya din ba ako idemanda kahit wala naman ako sa scene of accident?
2. Pwede nya din ba ako idemanda kahit hindi ako ang nakapangalan sa o.r/c.r ng taxi kundi and kumpanya?
3. Dapat ba talaga paltan ng brandnew and bumper at right side fender nya?, kung pwede naman ipaayos na lng para mairestore at maliit lang gastos. Yun kasi ang demand nya kaya sobrang laki ng gastos ng pagpapagawa.
4. Pwede ba ako magdemand sa araignment na sa auto paintshop na lang ipagawa, at qng d ba sya pumayag e malaki ba ng chance na maaquit ako at ang driver ko sa kaso?
5. Need ko na magpasa na counter affidavit from june 1, 2012 till next week, ano pa po ang kailangan ko?
6. Magkano po charge ng private atty d2? Pano po ako makalapit sa PAO? May bayad din po ba service nila?
thanks in advance