Gusto ko lang po sana humingi ng opinyon sa insidente na naranasan namin noong March 30, 2012 11:40am habang maayos ho namin binabaybay ang sen gil puyat ave corner tramo ng biglang sagiin ng Mher Jun taxi na may plate number na TXL 396 na minamaneho ni Ginoong Emilio Cabontocan ang kaliwang bahagi ng likod ng aming kotse. Meron po kami pinanghahawakang police report at mga larawan ng insidente.
sa tanggapan ng traffic police sa tabi ng Cuneta Astrodome sa Pasay, ayon sa nag asikaso smin na pulis. meron daw ho sila ordinansa na nagbabayad ang 2,000 ang involved sa ganitong insidente. nagtataka naman ho kame bakit ho pati kme ay titiketan nya e kitang kita naman ho sa litrato na kme ho ang biktima. sa takot ho namin magbayad ng nasabing amount pumayag ho kame na wag na tiketan un taxi driver kasi ho kme rin ay madadamay.
Ang nakakasama lamang ho ng aming loob ay ni hindi man lang ho namin sya nakaringgan na humingi ng pasensya at bagkos sya pa ho ang di maayos makitungo sa amin. Insured naman ho ang sasakyan ang masaklap lamang ho nangako ho ang driver na ang operator ang magbabayad ng participation fee na 2,500 ngunit ng aming idulog ito sa operator ay hindi daw ho nila ito sasagutin. nagtuturuan na ho sila
Napakasaklap naman ho ata isipin na kami na nga ho ang kanyang binangga kame na ho ang naabala at babayad ng participation fee samantalang sya pa ho ang matapang at ginagawa ang normal nya na buhay. Gusto ko ho sana ay may magawa kaming hakbang upang matuto sya ng kanyang leksyon na hindi pwede maghari harian sya sa lansangan at kapag may nasagi o may nasaktan ay madali sya nakakawala sa responsibilidad.
ano ho ba pde ikaso sa kanya? kapang nag file ho ba kme ng kaso panibagong gastusin ho ba yun sa part namin?