Nagkaroon ako ng aksidente noong Agosto 2010; nahulog ang sasakyang minamaneho ko sa bangin at nahulugan ay bubungan ng bahay. napaalis ko ang sasakyan sa bubungan ng bahay sa kahilingan na rin ng mayari na tanggalin ko na lang at wala na akong obligasyon. Kahapon May 14, 2012 ay nakatanggap ako ng subpoena mula sa judge ng MTC na ginawa noong Abril 12, 2012 at sinasabi na kailangan kong pumunta sa hearing na nakaset sa Hunyo 27, 2012 at kinakasuhan ako ng criminal case na reckless imprudence resulting to damage of property. May mga tanong po ako:
1. Maituturing po ba na criminal case ang kaso samantalang wala naman pong involved na taong napinsala?
2. Bakit wala pong pangalan ng complainant at people of the Philippines ang nakalagay
3. Nabasa kopo mula sa sagot niyo sa isang post dito na may prescription period ang kaso na 5 months. Sa pangyayari po ay lagpas na po sa 5 months bago sila nagsampa ng kaso laban sa akin. Ano po ang dapat kong gawin para magamit kong depensa ang prescription period at magpafile po ba ako ng Motion to quash?