attny gusto ko sana humingi ng advice tungkol sa kaso namin.
last year mga 3rd week ng nov. habang papasok sa work ng tanghali naaksidente sa motor ang asawa ko angkas ang byenan ko.may gumigit sa kanilang mabilis na motor kaya ang ginawa ng asawa ko iniwas ang motor nya at bumunggo sila sa kotse na nakaparada (nakaparada ito along sumulong highway) sa tapat ng isang water station. nadamage ang tail light ng sasakyan.ang asawa ko naman at byenan naisugod sa 1 hospital tumama kasi ang ari ng asawa ko sa tangke ng motor nya. habang nasa hospital after 2 hours lang ata nagpunta dun yun mayari ng kotse pabalik balik hanggang sa nagsama ng pulis pinagbabayad kami kahit kalahati lang daw ng 6,500 nagbigay sila ng presyo.nagdown kami ng kalahati.tapos nagpimahan sa logbook na sa susunod nalang ang natitira.
nalaman ng tito ko yun ginawa nila at nagalit tinawagan yun station bakit daw kami sinisingil sa ganoong kalagayan groggy ang asawa ko at kahit sinabi ko na baka pwedeng sa ibang araw na pagusapan sana eh mahihirapan lang daw kami dahil maiimpound yun motor etc etc.kaya sabi ng mga pulis irrelease na nila yun motor at lisensya ng asawa ko anytime basta kunin lang daw doon.
napagisip isip lang namin na bakit nga ba kami nagbayad inuna muna namin yun bago ang asawa ko.siguro dahil sa sobrang taranta namin at ayaw na ng asawa ko na mahirapan pang kunin kung saan ang motor at lisensya nya.at sana nakapagcanvass manlang at dito na lang pinagawa ang tail light nya nakamura pa.
nun nagpunta rin ang bayaw ko sa headquarters para sa police report pinagpapasahan daw doon dahil walang gusto humawak ng kaso dahil nga sa nangyari na tumawag doon ang tito ko
ilan linggo din naconfine ang asawa ko at naopera, jan. nalaman nun mayari na released na yun motor at lisensya nagalit at wala daw syang panghahawakan pa.ang sabi naman namin baka pwede dito pagawa yun sasakyan dahil malaki talaga nagastos namin napakalaki pa ng utang hanggang ngayon sa doctor.at kung pagbabayarin nya parin kami medyo matatagalan pa dahil kapos talaga kami kahit ba 3,000 na lang ang utang.jan. kami huling nagusap.
kanina nakatanggap ng sulat yun asawa ko at kinakasuhan sya ng reckless imprudence resulting to damage to property at hearing sa june 8.
question #1
ano po ba ang pwedeng mangyari sa kaso makukulong ba ang asawa ko at magkano ang binabayaran tail light lang naman ang nabasag, sa 6,500 na sinisingil nya nakapagbayad kami ng 3,500 noon
qustion #2
pwede po ba na makipagareglo o kahit aregluhin may mga babayaran pa rin kasi hindi namin kaya kumuha ng abogado nagtatanong tanong pa ako sa iba kong kakilala na pwedeng tumulong sa amin
question #3
binabalak ko kasuhan din sila dahil hindi nila alam ang dinanas namin kung mabuti sana sya pinabayaan na lang nya na nakahulog na kami ng onti.ano po kaya ang pwede yun sa paniningil ba nila habang
ganun ang kalagayan sa hospital at hindi ko alam ang basehan niya at naningil sya ng 6,500 old model naman ang sasakyan nya.at sabi ng asawa ko halos di na nya maalala kung gaano kalaki ang basag sabi ng byenan ko maliit lang,hindi naman pa namin nakikita ang pictures sabi nya meron daw sya kopya at ma 50 witness sya,eh wala ngang tao nun wala manlang tumulong sa kanila.at pati rin po ba doon sa pagpark ng sasakyan nya na nasa main road sumulong highway.water station kasi yun at nakapark sa harap yun sasayan nya
maraming salamat po sana matulungan nyo kami.