Meron po Kotse bumangga sa likod ng Van na mimaneho ko na pag may-ari ng kompanya pinagtrabahoan ko noon. Hindi na ako nagreklamo sa kunting tupi sa rear bumper ng van ngunit ang kotse ay nagdemand ng bayad sa kunting gas gas ng kanyang front bumber at matapang nagsalita na “HUWAG KAYONG MAGTAPANG-TAPANGAN, WALA KAYONG PERA PANLABAN NG KASO” siya bumangga siya pa ang galit kasi intatrasan ko daw siya, maimpluwensya kasi sa minisipyo yung may-ri ng kotse. Binigay ko sa pulis at sa may-ari ng kotse ang telepono sa kompanya may-ari ng Van na minamaniho ko at nagfile siya ng kaso. Sa pulis report walang sinasabi ang imbestigador kung sino may kasalanan neutral siya sa kanyang conclusion di ko alam kung bakit. Nakaschedule na ang effectivity ng resignation ko on that week at sabi ng imbistigador after 1 week pa daw makuha pulis report. Nakaalis na ako sa kompanya at nakapagtrabaho sa ibang lugar ng hindi ko nakuha ang pulis report pero alam na ng kompanya ko ang pangyayari at binigay ko sa kanila initial report ng traffic pulis.
After a year nagulat nalang po ako meron ako subpoena Reckless Imprudence Resulting Damage of Property at may Case Number napo ako galing sa Municipal Trial Court. Pumunta ako sa pulis trapik at kinuha ko ang pulis report, kopya ng picture, sketch ng insedente at ang estimated amount damage ng kotse na 8 thosand plus lang naman at dinala ko sa kompanya. Ang sabi ng kompanya na may-ri ng Van at ang insurance ng Van ay mag attend sila sa darating na arraignment kasi nakita nila wala kaming kasalanan.
Ito po ang mga tanong ko:
1.Walang sinabi ang pulis kung sino may kasalanan bakit lumabas ngayon ako ang criminal.
2.May insurance naman po yata yung kotse bakit hindi niya pinabayaran ng insurance nya ang damage kung wala talaga siyang kasalanan sa insedente at bahala insurance niya sumingil sa kompanya at insurance ng Van.
3.Hindi naman po nakarehistro sa pangalan ko yung Van bakit sa akin naka address ang subpoena perwesyo po ito sa akin at nasira ang pangalan ko kasi may criminal case number po ako sa munisipyo.
4.Paano ko po mailabas ang pangalan ko sa kaso as a principal accused hindi ko po pag-aari yung Van at may insurance po yun willing naman po magbayad insurance namin kung mapatunayan na kami may kasalanan.
5. Paalis na po ako papuntang ibang bansa paano pag hindi na ako maka attend sa arraignment. Hindi pa po alam ng lahat na paalis na ako papuntang ibang bansa.
6.Pwede po ba pagbalik ko nalang afters a years mag attend pag hindi maalis ang pangalan ko sa kaso as principal accoused?
7.Dapat ko ba paalam sa kanila na paalis na ako? Hindi kaya maabala ang aking pag alis?
Any help please.....Thanks in advance!