Nagkaroon po ako ng aksidente noong August 2010 at nagkaroon ng damage sa property ng nabunggo ng aking sasakyan na bahay. HIndi kopo alam na nagreklamo ang biktima , kaylan ko lang nalaman na nagpunta sila sa bahay ng mayari ng sasakyan at tinatanong kung bakit hindi ako umaatend sa court. May ilang hearing na palang nagaganap sa court pero hindi ako nakakaattend dahil sa hindi ko naman po alam.Nang nagcheck ako sa court ay napagalaman ko na may schedule ako ng arraignment June 27, 2012. (Dahil sa ilang resked na mula ng November 2010 at hindi ako nakakaattend. Nang icheck ko ang information ay ginawa ng provincial prosecutor ang information noong September 2010 na inaacuse ako ng RIRI . Ang tanong kopo sa records ng provincial prosecutor ay bakit wala akong natanggap na subpoena para sa preliminary investigation. Ang sabi sa akin ay walang naganap na preliminary investigation dahil direct filling daw po ang nangyari. Pwede po ba iyon di poba requirement ang PI kahit sa RIRI case. Kung sakali ano ang pwede kong gawin para maibalik sa PI level ang kaso, pwede pa poba?